Nakakita ako ng totoong engkanto

14 57
Avatar for Labofmylife
3 years ago
Topics: Engkanto

Ramdam ko ng malapit na ang November...Kaya gusto lang ishare sainyo ang aking karanasan noong ako ay 7 years old palang...

Naalala ko nong bata palang kaming magkakapatid ay lagi kaming pumupunta ng mga magulang at kapatid ko sa bukid..May maliit din kasing lupain ang papa ko doon na pamana sa kanya ng lolo ko dati...Nanghinayang naman ang papa ko sa lupa kaya ang ginagawa namin tuwing sabado at linggo kapag walang pasok sa paaralan ay sumasama kami ng kapatid kong lalaki sa bukirin....Tinutulungan namin ang papa ko na mag-igib ng tubig sa isang bukal na medyo malapit lang sa lupain namin para pandilig sa mga pananim....Tuwing hapon bago kami umuwi ng bahay lalo na kapag araw ng linggo ay nag-iimbak kami ng kuya ko ng tubig sa drum para kinaumagahan ay hindi na mahirapan ang papa namin..Hindi kasi kami nakakatulong kapag may pasok na sa paaralan.....

Pag-iigib

Sabi sa akin ng kuya na huwag na daw akong sumama sa kanya kasi daw mas natatagalan siya kasi ang bagal ko daw maglakad.hahaha..Eh sa ang isip ko noon ay laro lang yong pag-iigib ng tubig kaya pilit akong sumasama sa kuya ko....May nadaanan kami ng kuya ko na madaming kawayan....Nakakatakot talaga kapag napapalapit kami don...feeling ko kasi may lalabas na ahas sa kapal ng mga dahon....Paguwi namin galing sa bukal ay naiinis yong kuya ko sa akin kasi ang bagal ko daw maglakad at gusto niya mapuno agad yong drum para makauwi na kami ng bahay.......

Conversation namin ng kuya ko

Kuya:Bilisan mo na at malapit na gumabi,ang tagal mo kumilos..

Ako:Napapagod na nga ako kuya tapos gusto mo pang bilisan ko ang lakad..

Kuya:Sabi na kasing huwag ka ng sumama ang kulit mo..

Ako:Sabi kasi ni papa tulungan kita mag-igib ng tubig para mapuno agad..

Kuya:Eh mas natatagalan nga kasi para kang pagong..

Ako:Grabe ka naman kuya,mauna ka na nga at alam ko na din ang daan..

Iniwan ako ng kuya ko

Ang bilis nga ng lakad ng kuya ko hanggang sa nawala na siya sa paningin ko....Akala ko hindi seseryusuhin ng kuya ko ang sinabi ko siguro sa sobrang inis niya na sa akin......Binilisan ko nalang ang lakad ko kahit pagod na ako..Bigla ko kasing naisip na may dadaanan pa pala ako na isang nakakatakot na lugar...Doon sa kawayan na sobrang kapal ng mga dahon....Habang malapit na ako sa kawayan ay natuwa ako kasi nakita ko na yong likuran ng kuya ko na naglalakad..Naisip ko na love talaga ako ng kuya ko kasi hindi niya ako iniwan.....Sumigaw ako "kuya hintayin mo ako!!Huminto ka muna!...Siguro tatlong beses ko yon sinisigaw pero parang bingi ang kuya ko...Napatigil ako sa paglakad kasi nagtaka ako bigla sa kuya kung bakit panay ang hakbang ng kuya ko pero hindi naman nakadikit sa lupa yong kanyang mga paa..Dahil sa takot ko ay hindi ko na talaga alam ang gagawin..Pumikit nalang ako at umiyak...Pagdilat ko ng mata ay wala na ito.....Sa sobrang takot ko ay tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa kubo namin....Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagod ko...Panay tanong sa akin ng kuya ko kung bakit daw ang putla ko wala akong maisagot dahil kinakapos pa ako ng paghinga...Hanggang sa mahimasmasan ako at na ikwento ko ang nangyari sa kanila...Sabi sa akin ng kuya ko"Multo daw yon kasi ang kulit ko"Tinakot pa talaga ako..heheh...Pag-uwi namin ng bahay ay yon ang bukang bibig ko sa mga kalaro ko at sa nanay ko...Sabi sa akin ng nanay ko ang tawag daw don sa nakita ko ay engkanto...Nakakita na din daw kasi noon ang mama ko...Pero dalaga daw siya nong nakakita noon sa ilog...Mga tatlong batang engkanto daw ang nakita niya na naliligo sa ilog pero nong pumikit siya..Bigla daw itong nawala...


Sponsors of Labofmylife
empty
empty
empty

Gusto ko lang mag thank you sa aking mababait na sponsors...

Ending

Ewan ko kung may sense itong kwento ko.hehehe.Wala kasi akong maisip na ikwento kaya pag pasensyahan niyo na po muna ito...Naalala ko lang nong bata ako...

Thank you so much sa aking mga mababait na readers..godbless poh.

Date published

October 12,2021

10:19pm

philippines

Lead image:My own shot

@Labofmylife

13
$ 0.11
$ 0.05 from @Ling01
$ 0.02 from @Adrielle1214
$ 0.02 from @Zcharina22
+ 1
Sponsors of Labofmylife
empty
empty
empty
Avatar for Labofmylife
3 years ago
Topics: Engkanto

Comments

Never pa din ako nakaexperience ng ganyan hebr

$ 0.00
3 years ago

Heheh...naku sis mas mabuti ng hindi ka makakita kasi nakakakilabot talaga.hahah

$ 0.00
3 years ago

Oo ayaw ko din pati hehe

$ 0.00
3 years ago

Hi ate bago po ako dito. Binasa ko article mo, kinilabotan ako kunti. Lapit po sa panginoon, pray lang po as always. Behira din magkaruon ng ganyan, naalala ko tuloy Mmk dala ni kim, baka lalala ang sitwasyon. God bless po

$ 0.00
3 years ago

Hello po bago din ako dito..welcome po sa atin..heheh..Oo nga po nakakatakot talaga..

$ 0.00
3 years ago

Bukas siguro 3rd eye mo sis kasi ako never pa naka experience or nakakita hehe.. siguro kung may gnyan ako bka ayoko ng makakita ulit hahahah nakkatakot po kasi

$ 0.00
3 years ago

Naku sis huwag mo ng pangarapin na makakita at baka mangilabot ka..hahahah

$ 0.00
3 years ago

Hehehe ayoko tlga sis at bka d ako mkatulog

$ 0.00
3 years ago

Nangilabot ako Sis, iniimagine ko kasi ang pangyayari. Pero ang weird kung engkanto talaga yun no, kasi sa pagkaka-alam ko ang engkanto parang tao din, pero yung nakita mo di sumasayad sa lupa ang paa

$ 0.00
3 years ago

Yon na nga sis yon lang ang sabi sa akin ng mama ko..Bata pa kasi ako noon kaya yon yong tumatak sa utak ko na engkato daw sabi ng mama ko..

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot naman sissy, kapag ganitong nalalapit ang november maging sa mga palabas laging multo hehe

$ 0.01
3 years ago

Yon nga sissy..Nakita ko kagabi sa tv multo..Yan tuloy naalala ko nong bata ako.hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hirap kaya mag igib ng tubig hehe natawa ako sa pag aakalang laro lang ang pag iigib hehe....buti hindi nanakit yung engkanto? Hehe

$ 0.01
3 years ago

Hahaha..Napakabata ko pa kasi noon sis..Mabuti nga at hindi ako kinuha.heheh

$ 0.00
3 years ago