Ang hirap ng madaming amo

14 31
Avatar for Labofmylife
3 years ago
Topics: Trabaho

Nong nakipag sapalaran ako sa ibang lugar para mag trabaho ay napadpad ako sa cavite..Kaka graduate ko pa lang noon ng high school at para makapag ipon for college ay kinailangan ko muna mag trabaho.....Ayaw sana noon ng mama at papa ko dahil napakabata ko pa daw para magtrabaho pero porsigido na talaga ako noon...May kakilala kasi yong pinsan ko na naghahanap ng kasambahay sa cavite.....So nag try ako pero pagdating ko doon sa dasmariƱas cavite ay hindi lang pala sa bahay ang trabaho ko...Pinapatrabaho din nila ako sa isang maliit na grocery store na pag-aari din ng kapatid ng amo ko.....

Bale yong naging amo ko ay apat na magkakapatid kasi parang share din sila sa kanilang negosyo...Sa unang linggo medyo ok yong trato nila sa akin......Pagdating ng isang buwan ay nakita ko na yong kanilang mga ugali..Kaya medyo nagtaka ako kung bakit walang tumatagal na katulong sa kanila....Hindi talaga sila maintindihan....Yong isang amo ko mabait naman siya..Si ate maribel ang pangalan niya at ito lang ang medyo ok sa kanilang apat...Tinutulungan kasi ako nito sa mga gawain kapag hindi ko na kinakaya...Yong isa namang amo ko ay laging tulog sa araw at nawawala sa gabi...Pero yon ang pinaka mayaman sa kanilang magkakapatid.....Kaya lang dahil sa inosente nga ako ay nagtataka ako sa amo ko na yon...Pero hindi ko nalang pinansin kasi naisip ko baka call center at tsaka wala naman akong karapatan para halungkatin ang buhay ng mga amo ko...Nagpunta ako don para magtrabaho...Yong isa naman na amo ko ay si kuya jojo,,yon ang pinakaayaw ko kasi kahit dis oras na ng gabi...akala mo naman kung anong emergency...Yon pala may itatanong lang sa akin kung nakita si ganito or kung nakita ko yong hinahanap niya..Naku hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang......

Yong bunso naman nilang kapatid na si kuya hill ay yon yong nagbabantay sa grocery store..Tahimik siyang tao...hindi siya pala utos kaya lang sa sobrang tahimik niya..Kapag tumalikod ka ay sinisiraan ka naman sa mga kapatid niya...minsan nalilito na nga ako kapag ako yong duty sa store nila...Kasi yong isang amo ko ang gusto ng price yong mataas daw para hindi malugi...Eh ako pa naman ang naglalagay ng price tag....Yong isa naman ang gusto niya ay yong mababa lang daw ang price para hindi ma stock at maibenta kaagad...Kapag sinusunod ko yong utos ng isa...napapagalitan ako nong isa..kapag yong isa naman ang sinununod ko magagalit din yong isa...diba kahit sino malilito talaga kung sino ang susundin...Ang hirap talaga ng madaming amo....

Siguro mahigit kalahating taon na ako sa kanila na nagtatrabaho...Kinausap ako ng isa sa amo kong babae yong laging wala sa gabi at tulog naman sa araw..Ang sabi niya sa akin na may ipapakilala daw siya sa akin na magaling sumayaw..turuan daw ako dahil maganda daw ako at sigurado daw na pasado daw ako kapag pumunta ako ng Japan....Sabi ko naman naku po Ma'am hindi ko naman pinangarap na pumunta ng Japan..Tsaka kuntento na po ako dito sa ating bansa....Ang sabi ulit sa akin ng amo ko..Sayang daw ng ganda ko kasi malaking pera daw ang kikitain ko doon..Mag-isip daw ako....

Kinabukasan doon ko lang nalaman na ang isang amo ko pala ay manager ng isang sikat na club....Kaya pala nagpapagawa ng napakalaking bahay sa cavite...Sa una super na amaze ako kasi naisip ko grabe naman yong yaman ng amo kong isa na yon......Nong kausapin ako ay doon na ako nagtaka...

Makalipas ang ilang linggo at nagkasakit ako...mabuti nalang at nanaginip daw noon ang mama ko na nagsasayaw daw ako sa isang club kaya natakot ito at sinundo ako sa pinagtatrabahuhan ko....Nagulat nga ako ng dumating ang mama ko dahil hindi ko naman sinabi sa mama ko nong time na yon kung anong lugar ng pinagtatrabahuhan ko...Ewan ko siguro dahil iniisip ko kaya ko na din naman.....Mabuti nalang at sinabi sa kanya ng pinsan ko na nagpasok sa akin ng trabaho....Yong araw din na yon ay sumama na ako sa mama ko pag-uwi.....

Sponsors of Labofmylife
empty
empty
empty

Thank you so much to all my generous sponsors...Salamat din sa pag support po lagi sa akin...godbless you all..

End...

Final thoughts...

Huwag tayo basta-bastang mag desisyon lalo na kung ito ay hindi naaayon sa kagustuhan ng ating mga magulang dahil pwede natin itong ikapahamak......

Maraming salamat sa aking mababait na readers,sa lahat na naga upvote sa akin...sa inyo pong lahat...thank you so much...

Date published

october 24,2021

Sunday

8:49pm

Philippines

@Labofmylife

5
$ 0.12
$ 0.05 from @ibelieveistorya
$ 0.03 from @GarrethGrey07
$ 0.02 from @Khing14
+ 1
Sponsors of Labofmylife
empty
empty
empty
Avatar for Labofmylife
3 years ago
Topics: Trabaho

Comments

Ang gulo pag madaming amo sis..hndi mo malaman kanino ka susunod..at tama ka, hndi talaga natin dapat sinusuway ang mga magulang natin dahil sila ung mas may nakakaalm ng ikabubuti para sa tin.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sis...kasi sabi nga may kasabihan tayo na kung tayo daw ay paalis pa lang ang mga magulang natin ay pabalik na...kaya alam na alam na nila ang mangyayari kaya minsan pinagbabawalan tayo..

$ 0.00
3 years ago

Mahirap talaga mangamohan, di natin alam ano ang mga mangyayari satin. Ang hirap makibagay

$ 0.00
3 years ago

Nako ramdam kita sissy..kung pwede nga lang na ikaw na naman yong amo.hehehe

$ 0.00
3 years ago

Malay natin bukas ako na naman ang amo nyahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Kaya siguro mayaman yung isa sis mga foreigner ang mga customer nun.

$ 0.00
3 years ago

Siguro sis kasi yong isang anak ng amo ko foreigner..hehehe.tsismosa din tayo minsan.hahaha

$ 0.00
3 years ago

Grabeng experience mo yan sis buti nalang at life saver mo ang mama mo.. kasi kung hindi bka nadala ka nila at baka hindi kna nakuwi sa pamilya mo.. ako matigas din ulo ko non pabugso bugso ng desisyon pero ligtas naman ang mga naging amo ko...

$ 0.00
3 years ago

Siguro sis aral na din yon sa akin kaya next na nagtrabaho ako yong malapit nalang sa lugar namin..

$ 0.00
3 years ago

Bakit naman ganun sis?.. Hindi naman pala pag aari ng amo mp yung grocery pero bakit pinagbabantay ka doon?.. Mahirap nga yung ganun na madaming amo.

$ 0.00
3 years ago

Apat kasi yong amo ko...kaya nakakainis talaga sis..

$ 0.00
3 years ago

Ay grabe.. Ang dami mo palang amo.. Nakakainis nga yan kasi hindi mo alam if sino ang susundin...

$ 0.00
3 years ago

Mahirap talaga. Hayst

$ 0.00
3 years ago

Naku sinabi mo pa po..

$ 0.00
3 years ago