LAING/Gabi ( Taro ) Masyado na akong busy simula ng inumpisahan ko ang maliit kong negosyo kasabay pa ng pagaalaga at pagiinti sa dalawa kong anak kaya minsan wala na akong time para mag share sa inyo. Pacensya na kayo kung minsan lang makabisita.Alam niyo na pag Nanay napakadaming responsibilidad sa bahay hehe kaya kinukulang na ang oras para sa sarili oh sa ibang bagay. Anyway share ko sa inyo itong Hinimay na gabi ( Taro) ni mama nung isang araw magluluto kasi siya ng Laing.Nako talagah naman nataob yun kaldero namin.Hindi kona napicturan nung naluto kase nauna naang kaen partner ang pritong galunggong na maliliit na binili ni Hubby sa Kanto. Speaking of Galunggong na maliliit sa halagang 100pesos isang kilo ang dami nakakauta maglinis haha : ) Tapos lalo na pag iprito n iisa isahin mo pa baligtarin. Nagtiyaga lang talagah ako dahil paborito ni Hubby un ganitong maliliit dahil mas malasa daw?. Haha
No comments yet