read.cash Log in
@Kyshin more from that month

LABONG (Bamboo Shoots ) Dahil naguulan na sabi ng Kapatid ko pupuntahan daw niya ang tanim niyang papaya at baka maanod ang puno dahil malapit sa bangbang syang nga naman kung di mapapakinabangan . Pagpunta niya daw kanina dinaanan niya muna ang kawayanan na malapit doon at ito nakakuha siya ng 3 piraso sabi niya igagata daw namin. Ang labong ( bamboo shoot ) ay ang bagong sibol na kawayan na talaga naman napakasarap i-gulay Tuwing tag ulan napakaraming ganito kaya naman unli gulay kami . Sanay kase sila papa sa probinsya madami kaseng ganito sa kanila. Minsan inaadobo ko ito na may sardinas pag walang pansahog syempre dumadaan tayo sa buhay natin wala tayo kahit ano kaya natutunan natin dumiskarte sa buhay kaya minsan nag imbento ako ng mga lutuin hehe . Pero mamaya siguradong ginataan ang luto nito dahil bumili ako ng Hipon na pang gata sa suki namin naglalako kahapon. Matagal tagal din hindi naktikim ng labong kaya for sure taob na naman ang kaldero namin mamaya. Kayo nakakaen na bah kayo ng labong mga noisemates?.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.