read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Pag May tanim may aanihin Late na kami nakakaen ngayon araw dahil tambak kase ang gawain. Si Hubby muna maglalaba dahil nagpa vaccine ako nung Friday and until now ay may nararamdaman parn akong side effects. Tapos makikilibing kase sila mamaya sa Nanay ng tito ko .Bali ang kamaganak namin ay si Tita pero napakabait kase ng tito ko na yun kaya nakakahiya kung sa pagkakataon na ito sa libing ng nanay niya eh hindi kami makikiramay. Kaya hindi ako makapagluto ng maaga dahil syempre ako magaalaga kay baby namin ..hehe Sakto naman at kinuha na ni papa ang unang bunga ng langka niyang tanim dahil crave na crave tlagah sa ginataan langka kaya abang na abang sa paglaki ng bunga. Kaya nakalibre kami ng ulam ngaun dahil isang buong langka ang ginataan nila kahit hanggang mamayang hapon meron parin ulam haha ..Good for 2 families na hehe. Sinahugan nila yan ng Dried beef tapa galing sa amo ng kapatid ko kaya may twist medyo maanghang kaya di na enjoy ng bulilit ko busog pa daw siya kaen kase ng kaen ng tinapay . Ang sarap tlagah kumaen ng Fresh galing sa sariling tanim.. Nextime pag malalaki na ang bunga niyan mag luluto din ako ng sarili kong version. Malapit na din ang summer kaya pag nahinog pang flavor na din sa Ice candy business ko .. Mapahinog oh hilaw ..Masarap tlagah ang langka.. Kyshin

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.