PIGGY BANK Collections Share ko lang sa inyo ang favorite laruan ng anak kong panganay.Kung sa iba ito ay sisidlan ng perang inipon para sa kaniya ito ay mga simpleng laruan na hilig niyang kolektahin. First time niya nagkaroon ng Piggybank noong 2 years old palang siya.Tuwing pupunta kase ako sa palengke para bumili ng ulam sumasama siya dahil wala pa naman pandemic noon para naman makagala din siya minsan. Isang beses nagturo siya sabe niya sa akin " pig oinch " - oinch nga pala ang tawag niya sa orange noon kase bulol pa siya haha . Syempre hindi ko naman matitiis ang anak ko kaya bili naman ako sa halagang 50pesos. Iyan color Sky blue naman sa Bling bling namin nabili 25pesos yan.( un bling-bling nga pala yun tawag ng mga tao dito sa mga nagtitinda ng mga gamit sa bahay na nakatricycle ). Meron pa siyang 3 maliliit un yellow,pink at Green nabili kona man yan sa Supermarket 3 for 100 kase wala ako maisip na pasalubong sa kaniya noon.Pero un green nawala sayang may laman pa naman iyon. naiwan kase ng anak ko sa labas ng gate ng bahay ng mama ko noon kaya wala sa picture. Ang tagal din nya bago nakalimutan un pig green niya .Kung kani-kanino na lang niya hinahanap samin .. Tuwing darating ang papa ko galing sa pamamasada tatawagin yan para bigyan ng 10pesos na plata sabay sabe " keripot ito na pakainin mona baboy mo " Tuwang tuwa naman yan at tatakbo para kuhain un baboy niya dadalhin sa bahay ng parents ko para pakainin ang baboy niya .. Sa ngaun kalahati na din un laman ng pig oinch niya pati un maliliit hinulugan niya ng pipisuhin.. Minsan niloloko namin siya katayin na Baboy niya iiyak na un . Mahal na mahal niya yan mga laruan niya kaya ayaw niya ipakuha pati un laman haha .. - nakakatuwa lang sa mura niyang edad marunong na siya magpahalaga ng mga bagay-bagay ..
1 comment
Tama nga yan sis un bata palang marunong ng mag ipon. Mga anak ko may kanya kanya dib sila coin bank.