read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Christening Day Ito yun ganap noong nakaraang Sabado March 12 na halos 1 month din namin pinaghandaan. pinagsabay na kase namin ang Birthday at binyag niya pero March 9 talagah ang exact Birthday ni baby girl. Scheduled ng binyag ay pagkatapos pa ng Seminar so 9am dapat na sa simbahan na kami before 9am. Dahil 2nd si baby sa 6 na batang bibinyagan noong araw na yun matik na sa unahan kami uupo . Sa totoo lang kahit saan at anu pa man ang pupuntahan auko lagi uupo sa unahan dahil madalas ikaw ang tinatanong or tinatawag : ) haha pansin niyo din bah un??. So ayun nga natanong ang lola niyo sa Seminar .. Sabi skn Bakit ba daw pinabibinyagan ang ating mga anak?.Sagot ko eh para matubos sa kasalanan mana ang ating mga anak : ) na very Good ako Haha ! Mabuti na lng at alam ng lola niyo ang sagot .. panu kaya kung di ko alam?? nakakahiya siguro haha .. Mabuti na lng at medyo nakikinig ako nung elementary sa Religion class namin at na-implement ko sa mga ganitong pagkakataon .. Ito yun patunay sa kasabihan dapat pag sasabak ka sa giyera dapat lagi kang may bala : ) charr Mga 10:30 natapos ang binyag at ito share ko sa inyo ang picture namin kay father isang shots lang ang pwede at 1 pair lang din ng Ninong at Ninang ang pwede sa Simbahan kaya sa recpetion na lng pumunta ang ibang mga ninong at ninang . Bukas kona lng ikwento un sa party dahil masyado ng mahaba ang post ko Sana ay nag enjoy kau magbasa .

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.