read.cash Log in
@Kyshin

Building my own Store ❤️ I've started my loading Business and E-Services last June 19 2022.Im proud to say na yun konting earnings ko na naipon ko sa Noise noon 2021 ay nagamit ko para makapgsimula ako ng maliit na negosyo. 1300pesos ang pinuhunan ko sa Loading business ko and Im very thankful na hanggang ngaun ay nakatayo padin ang negosyo ko.Naisip kona din mag GCASH cash in/out para dagdag kita kaya Nagloan si Hubby sa Company para ipang puhunan ko.Nag start ako sa puhunan na 10500 nung mga panahon na to talagang kapos ako sa capital . Lalo pag may mga malalaking transactions sa customer pero kahit na ganun naka survive padin ang business ko. Nagiipon ako ng konti sa income ko kase halos naman ng needs namin at expenses dun namin kinukuha dahil maliit lang sahod ni Hubby simula ng magloan kami. Sinimulan ko mamili ng pakonti-konti na school supplies online dahil mas mura hanggang sa dumami na.Nagpost lang ako sa labas ng pinto namin ng School Supplies available here dahil wala pa ako tindhan . Kaya pinursue ko si Hubby na ipapayos ko un harap namin para maidisplay ko ang mga tinda ko.Buti andyan ang kapatid ko para gawain ang munti kong tindhan. Gamit lang ang mga kahoy na iscrap sa company nila Hubby nabuo ang tindhan ko.Sobrang Happy ko kase ngaun unti-unti kong natutupad ang mga pangarap ko at nakikita ni Hubby ang pagsisikap ko na matulungan siya. Konting Sipag at tyaga pa para sa future ng mga bata !!! GOGOGO!!!! #thankyouNOISE

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.