Okra at Sili Kaninag umaga nagpunta ako sa Garden ni papa mangunguha dapat ako ng Talbos ng kamote kaso agad na agad atah ang pangunguha kaya iilang piraso lang ang nakuha ko hehe. Kaya naman nag picture na lang ako total ay naguumpisa na mamulaklak ang tanim na okra ni papa nako kakatuwa to mga ilang araw lang makakapitas na ng fresh na okra tamang tama sa sinigang o kaya ay binulanglang. Masarap pa naman ang okra pag bagong pitas manamis namis ang lasa niya. Ang dami din bunga ng Sili perfect to sa ginataan hehe pulang pula ang mga bunga minsan nakakalimutan namin kunin ay tinutuka na lang ng mga manok at ibon. Na curious tuloy ako buti di sila naanghangan noh?.haha
No comments yet