Messy Home Sobrang busy at pagod ngaun araw sa pag aalaga mabuti na lang talagah at maganda na ang panahon at sumikat na si Haring araw kanina kahit medyo may panaka-nakang pag ambon eh nakakalabas labas kami sa bakuran para malibang si baby. Medyo maligalig kasi baby ngayon araw hindi ko alam kung dahil sa nag iipin siya kaya mainit ang ulo niya at panay ang iyak . At habang nagaalaga ako kay baby ito naman ang ginagawa ng kuya niya sa loob ng bahay namin.Napakalat ng bahay namin dahil sa mga laruan niya. Minsan talagah naiinis na ako dahil amg hirap niya pagligpitin ng mga laruan niya kaya nakakapag bunganga ako hehe.Pero sabi naman ng magaling kong asawa ang hilig ko daw mag reklamo na makalat pero bili naman daw ako ng bili ng laruan : )Haha Hay bakit nga ba tayong mga magulang ganoon diba?.Kaya no choice si Inday kundi tulungan ang anak ko na ligpitin ang mga laruan niya dahil kung hindi mag aalibi lang yan na sasavihin " nagyayawo pa ako"haha
4 comments
Hahahha tamaaah.. matuwa din kasi tayo kapag masaya sila seeing na may bagong laruan hehehe reality of life nga naman
relate naman ako jan sissy,nakakpagod na nga minsan may magkakalat pa peru tama yan na tinuturuan natin sila magligpit nang kanilang kalat habang bata pa.
hello sis musta ka na? ito ba bago mo acct?
God save him