Akoy nalilito at nahihilo Sapagkat wala akung maipost dito. Kanina pa ako paikot-ikot dito. Akala mo ay paikot-ikot na trumpo. Minsan dumarating talaga ang ganitong oras. Parang ikaw ay nasa isang rehas. Gusto mong makawala sa isang nakaraan na sobra ng nakakasawa! Ang buhay man natin ay minsan ay sobrang lupit ang sinasapit. Minsan ay para tayong hinahagupit. Ang iba naman ay sa patalim kumakapit. Para lang matakasan ang buhay na sadyang kay lupit-lupit. Pero huwag kang panghinaan. Kumapit ka lang sa kanya at humingi ng awa at humingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanang nagawa. Balang araw ang buhay mo ay gagaan ng kusa. Hanggang dito na lang po ang aking simpling tula na hindi naman magkakatugma. Pagpasensyahan nyo na at wala pa kasing laman ang aking sikmura. Haha. _precious_
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
naniyare sayo ha very good pa din