Open Relationship

0 1537
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Ano nga ba ang ibig sabihin ng in an open relationship? Bakit may mga tao na mas gusto ang ganitong klaseng relasyon kesa sa seryosohan? Nainspire akong isulat ang article na to about sa open relationship matapos kong mapanood kanina ang pelikulang "Open" na pinagbidahan ni Arcy Muñoz. Ito ay tungkol sa dalawang taong nagsasama o magkalive in partner. Matagal na ang relasyon nila. Since highschool days ay sila na at hanggang sa nakatapos sila at nagkaroon ng kanya-kanyang trabaho. First love din nila ang isa't-isa. Kumbaga first boyfriend and first girlfriend sila. Ang relasyon nila ay umabot ng 14 years. Ganun katagal! To the extent na parang naging habit na lang nilang dalawa ang magkasama sila sa lahat ng bagay. Kumbaga naging kampante na sila sa isa't-isa. Pero dahil sa bagay na yun nagsimulang magsawa si Lalaki at naakit syang tumingin at tumikim ng iba. Ngunit hindi dahil sa hindi na niya mahal si Babae kundi parang gusto niya lang makatikim ng ibang putahe. Kaya nagkaroon siya ng ideya na gayahin ang isang kaibigan nila na in an open relationship. Nung una ay hindi pabor si Babae since mahal na mahal niya si Lalaki. Pero since mapilit si Lalaki at ayaw niyang mawala si Lalaki sa kanya ay pinagbigyan niya ang kahilingan nito. To make the story short naging in an open relationship nga sila. Sa una akala ni Lalaki ay magiging masaya siya. Pero sa huli ay pagsisisi lang ang nakamit niya. Sapagkat sumira siya sa usapan nila at pangako sa isa't isa. Sinira niya yung rules ng open relationship nila na ang naging ending ay tuluyang nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya.

I used to be in an open relationship din before. Nagkaroon ako ng lalaking nakarelasyon ko na open kami sa isa't isa. Pwede syang tumingin sa iba at pwede rin akong tumingin sa iba. Yun ay kapag di kami magkasama. Since he lives abroad madali lang yung set up namin na yun. Kapag nandito sya,kaming dalawa. Kapag wala sya e hindi kami. Nakakatawa di ba? Pero yun ang gusto niya ehh,at ayos din lang naman sakin. Two years din ako sa set up na yun. Bago ko nakilala ang forever ko. O di ba? May pa forever ang peg. Masasabi kong ayos lang naman ang in an open relationship kung parehas kayong open minded ng partner mo. Walang masama dun basta masaya kayo at walang inaapakang tao. Aaminin ko,marami din akong naging boyfriend since highschool days. At wala akong seryosong naging karelasyon noon. Lahat ay flings at dyowa-dyowa lang. Malandi na kung malandi ang tingin niyo sa ganun. Pero at least kahit ganun ako di naman ako basta bumibigay to the point na ialay ko na sarili ko.

Nakikipagbf lang ako para libangin sarili ko. May taga libre sa sinehan. Taga libre sa kainan. May taga paload at meron ding taga bili ng cellphone. O di ba astig! Haha! Well,di niyo ko masisisi. Sila lumalapit ehh. Sino ba naman ako para tumanggi? Pero hanggang ganun lang naman. Dahil no string attach e no touch din. And sobrang honest kong tao! Promise! Kasi sinasabi ko sa kanila kung ilan sila at pang ilan silang karelasyon ko. O di ba,taray?! Pero mostly kasi ay thru textmate lang naman. Di naman talagang nakikita ko silang lahat. Uso pa kasi noon ang textmate ehh. At yun ang way ko para malibang sa masalimuot kong mundo. Di ko na ieexagerate kung anong klaseng masalimuot yun ha. Since di naman kasama sa topic yun. At yun nga ang karanasan ko sa in an open relationship. Siguro maraming huhusga sakin dito. Okay lang,sanay na ako. Basta aminado akong di ako perpekto. Tao lang din ako na may mga kalokohang nagawa nung kabataan ko.

Sa iba ang in an open relationship ay para lang libangin ang sarili nila. Meron namang kaya gusto ito is takot sa commitment. Meron ding di lang talaga seryoso o di naniniwala sa forever. Ganun din naman ako noon. Di ako naniniwala na may tao talagang nakalaan para sa atin. Na waoang forever. Lalo na sa mga taong bitter! Pero kung papasok ka sa ganitong klaseng relasyon make sure lang na wala kang pagsisisihan sa huli. Siguraduhin mong laro is laro lamang. At wala ng higit pa dun. Nang wag kang magaya sa karakter nung Lalaki sa "Open" na huli ay pinagsisihan niya ang naging desisyon niya. Na imbes na nasa kanya na ang kanyang forever e pinakawalan niya pa dahil sa kanyang di pagiging kontento sa isa. Be carefull of what you choose and decide,for you not to regret everything and let it become just a past...

6
$ 0.00
Avatar for Krizzy
Written by
4 years ago

Comments