0
24
Di na ko makapaghintay na ikaw ay masilayan.
Bawat kilos mo at kimbot sa aking tiyan.
Ilang buwan kitang dinala sa aking sinapupunan.
Ngayon ay ilang linggo na lang ang aking ipaghihintay.
Lahat ay excited na at hindi mapalagay.
Panay ang tanong,ikaw ba'y ayos lang?
Hindi man plinano ang ikaw ay agad mabuo,
Ngunit pagmamahal ko sayo'y buong-buo.
Hindi man ikaw ang unang naging supling,
Sisiguraduhin ko naman na pagmamahal sa inyo'y pantay-pantay pa rin.
Katulad ng sa kuya mo,at maging sa ate mo.
Pagmamahal ko sayo'y solidong-solido.
Kaya wag mag-alala o mahal ko
Sa paglabas mo lahat ay makukuntento.
Na masilayan ka at mahawakan munting mga kamay mo.
At maibuhos sayo lahat ng pagmamahal namin.
O my soon to be prince, my little Eldwayne...