Ganito ba talaga kapag malapit na? Hindi ko ito first time pero bakit naninibago na naman. Kada na lang mangyayari ito ay tila parang laging first time. Kahit hindi naman. Pang apat na supling na syang malapit ko ng isilang. Hindi una at hindi ngayon lang. Pero yung pakiramdam ko ay laging bago. Ganun din ang nangyari sakin sa ikatlo. Lahat ng first time sa kanya'y naranasan ko. Dito naman ay meron ding bago. Ang pagiging masyadong emosyonal ko. Konting bagay,konting problema. Konting pagkakamali,konting reklamo. Lahat yan ay agad dinidibdib ko. Lahat ng konting yan ay iniiyakan ko ng todo. Sa ayaw ko man o sa gusto ngunit kusang tumutulo mga luha ko. Masyadong emosyonal,masyadong magdamdam. Ang sakit sa ulo,ganun din sa dibdib ko. Kapag hindi iniyak ay tila sasabog hindi lang ang utak ko kundi maging dibdib ko. Ilang linggo pa akong magiging ganito? Hanggang sa lumabas ka o mahal ko. Nahihirapan man sa pagkilos at sa nararamdaman,handa akong tiisin basta maging ligtas ka lamang. Naninibago man ako sa aking nararamdaman. Sige lang,dahil siguro ganito talaga ang isang inang excited ng makita ang magiging sanggol niya.
0
27