OS: Hometown Cha-Cha-Cha Nood nalang muna ng kdrama habang di pa nagsisimula ang klase. On going pa lang tong kdrama na to, hanggang episode 8 pa. Hindi ko pa dapat papanuorin to dahil on going pa nga, pero ewan bakit ko pinanuod ang episode 1 yan tuloy ayoko ko nang itigil pero nakakabibitin nga dahil hindi pa tapos. Must watch din to kung gusto niyo yung drama na romantic-comedy ang genre. Dahil sa kdrama nato parang gusto ko na tuloy magpalit ng course, lipat na ko sa dentristry tapos magtatayo ako ng clinic sa tabing dagat para makahanap rin ako ng isang Hong Du Sik hahahaha charot lang. Kidding aside, aside sa mobile games at socmed, isa na din kasiyahan ko ay ang panunuod ng kdrama/movies/series lalo na ngayong pandemic. Nagbibigay ng kasiyahan, kilig at nakakawala ng problema kahit pansamantala lang. Huwag tayo palagi nagpapa stress, mag enjoy din minsan sa buhay.
No comments yet