TROPICAL STORM ODETTE/RAI Tropical storm is coming. According to the news, it has the same track with typhoon Sendong and will hit Northern Mindanao area on the same date- December 16-17. Sobrang na trauma na kami sa bagyong Sendong. Sobrang daming buhay ang nawala. Nangyari kasi iyon ng gabi at nawalan pa ng kuryente. Base sa balita, mas malakas pa daw itong paparating na bagyo. Sobrang nakakatakot. Same date pa talaga sila. Grabeng paghahanda na rin ang ginagawa at hininto muna ang vaccination. Huwag naman sanang maulit pa ang nangyari sa Sendong. Ang daming bahay nga dito sa lugar namin na naabandona dahil sa bagyong Sendong. Kailangan talaga maging alerto po tayo palagi at manuod o makinig ng balita. Huwag na huwag po tayong makalimot na magdasal palagi para sa ating kaligtasan. Ihanda na rin ang mga gamit kung sakaling kakailanganin mag evacuate. Lord, please protect us.
3 comments
Let's all pray lang na sana, di na siya lalakas at hihina na siya :(
Sana nga po humina na.
ngayon lang siya gabi pumasok, medyo matagal pa siya mananatili sa Pinas. Sana di na siya lalakas