Happy Friday! Date rin natin ang ating mga chikiting para mas lalong ganahan sa pag aaral, bigyan ng reward at laging iparamdam na proud ka sa kanya kahit sa maliliit man na nagawa nya.. Ganun ang lagi kong ipinapakita at ipinaparamdam sa anak ko, everytime na tapos na ang klase nya lagi ko syang kinakausap about sa pinag aralan nila, mga ginawa nya, kung behave ba sya sa klase or makulit ba, kung may mali ba syang nagawa, at kung kumain ba sya ng ayos ng breaktime nila. Gusto ko maging close kami para habang lumalaki sya hindi nalalayo ang loob nya saakin at hindi sya mahihiyang mag open sakin. Nakakaproud na kahit hindi ako masyadong hands on sa pagtuturo sa kanya eh nagagampanan nya ng maayos ang kanyang pag-aaral. Maikli po kase ang pasensya ko at madali akong magalit lalo na pag di nakikinig saakin 😂 kaya napakasaya ko at ng aking anak ng mag face to face na. 😂 Sulit na sulit naman po ang araw araw na paghatid sundo ko sa kanya sa eskwelahan. So proud of you anak 🤩
No comments yet