Yung anak ko na halos araw araw nagdrawing halos naubos na lahat ng papel nya at pati isang rim ng bondpaper. Siguro sa sobrang inip nya rin sa bahay wala naman kase syang makalaro dito saamin dahil walang halos bata kung meron man medyo malayo rin,aayaw narin manood ng Tv dahil paulit ulit naman daw ang cartoons. Maioasyal nalang dun sa tita nya para makipaglaro sa mga pinsan nya.
@KjR16 in February 2022
Ang ganda pagmasdan ng bukirin samahan ng maaliwalas na hangin at bughaw na langit. Isang mapagpalang Linggo saating lahat. Own photo📸
Halo halo sa mainit na panahon, buti may tinda ng meryenda dito sa malapit samin, umay narin sa lomi eh! May tapsilog narin at saka pares, kapag nagutom ang aking anak malapit na ang bilihan. Maganda ito para saakin kase tamad ako pumunta ng palengke para bumili ng mga lulutuin. 😅
Grabe yung nangyayari sa anak ko sunud sunod, nakagat ng aso tapos nabunggo ng motor. Ok lang sana kung pera'y maubos pero yung hirap pakiramdaman bilang magulang sa mga sakit na nararamdaman nya. Mapapaisip ka nalang bilang magulang kung nagkulang kaba o napabayaan ko. Sana namay maging ok rin ang lahat. Nakakapanghina ang mga nangyayari sa anak ko. Last november lang ospital. Nagpalit ng taon ganun parin.
Alam nyo kung anong masaya kapag may anak?? YUNG FEELING NA KAHIT ANG DAMING PAGSUBOK MAY DAHILAN KA PARA BUMANGON AT LUMABAN SA BUHAY!