read.cash Log in
@Kingpogi more from that month

Ano ang kahalagahan ng Panalangin saating buhay?

Bago ko po simulan ako po si Kingemaru bago lang po ako rito at salamat din sa nagimbita saakin rito kung maari paki guide nalamang po ako maraming salamat po. Kung ating mapapansin maraming pagsubok na nadating saating ngayong taon na ito gaya nalamang ng bagyo,pagputok ng Bulkan,lindol at syempre ang Covid 19 virus. Sa bawat taon na nalipas marami naring mga tao ang nakakalimot manalangin saating Diyos. So ngayon ang topic ko ay kung ano ba ang kahalagahan ng Panalangin sa ating buhay. Pwede nating makausap ang Diyos sa pamamagitan ng Panalangin at kanyang salita. Pwede tayong humiling ng mga bagay na gusto natin at naayon sa kalooban ng Diyos. Nakakatanggal ito ng bigat sa ating kalooban tulad ng galit,problema etc. Nagpapalago at napapatibay ito saatin bilang Christian o kahit ano pang relihiyon. Nagtutuwid at pwede tayong humingi ng Guide tungo sa tuwid at mapayapang buhay. Ang Panalangin ay may tatlong sagot YES ,NO and WAIT. Kung Yes malalaman natin saating buhay na sinagot na ng Diyos ang ating panalangin dahil ito rin ay makakabuti saatin. Kung NO kabaligtaran ng YES ibigsabihin hindi ito kalooban ng Diyos bagkus may iba syang plano sayong panalangin Kung Wait syempre hindi lahat ng Panalangin ay agaran masasagot dahil meron itong tamang panahon kaya panatilihin lang natin ang Pananampalataya o pagtitiwala sa Diyos. Matthew 21:22 [22]At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.