"Wild dreams"

0 7

Sa unang pag lapat ng katawan kong pagal,

Sa higaang yari sa kahoy at bakal,

Agam agam ko ay unti unting dumatal

Kasabay ng dasal na aking inuusal.

Unti unting pumalaot sa dako paroon,

Ang munti kung diwa ay tila umayon,

Sa mundong pinasok, pilit tinutunton

Ng aking imahinasyong kusang bumabalong.

Nakita kita, nakita ko rin sila,

May kasamang iba ako ay hindi kilala,

bigla pa ngang landas natiy nagsanga

Ngunit tila hangin lang, ni hindi niyo nakita.

Sa muling paghakbang ko ako ay napadpad

Sa mundong maingay at puno ng lagablab

Mga katawang tila nililipad

Sa saliw ng tugtog na sadyag mapag hangad.

Lumabas na ako hindi ko nakaya,

Mapanghamong tukso sa aking mga mata

Tila nang aakit na ako ay sumama

Sa daloy ng agos na nagpapasaya

Muli akong humkbang,nagpatuloy sa paglakbay,

Biglang nagkakulay my humawak sa aking kamay

Ng ako'y tumunghay, ngiti mo ang sumilay

Tila nagsasabing ikaw ay kasabay.

habang naglalakad tayo ay napadpad

Sa isang hardin na puno ng bulaklak

mga ibOng pipit na gumaganyak

Na tyO ay sumayaw at unti unting umindak.

Dahan dahan tayong naglapit ng kusa

mga mata natiy tila naparalisa

Sa pagtitig sa isat isa ng walang sawa

Tila sinasabing tayo ay nakatadhana.

Malapit na nuon, malapit ng magtagpo,

Kukunting espasyo na lang ang nag lalayo

Sa ating katawang kapwa sumusuyo

Sa saliw ng musikang dulot ng ating puso.

Dahan dahan pa sa unang pag galaw

Tila ninanamnam ang bawat himaymay

Sa saliw ng tugtog mula sa kapitbahay

Yuon pala'y ginigising na ako ni inay.

1
$ 0.00

Comments