'Tulala'

0 6
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Mag isang nakatulala sa kawalan,

Ninanamnam ang hangin mula sa karagatan,

Iniisa isa ang mga ala-alang nais kalimutan,

Hanggang sa ako'y lunurin sa kaibuturan.

Pinipilit intindihan ang hindi maintindihan,

hawakan ang dapat bitawan,

at hilahin ang dapat layuan.

Alam ko ang dapat, pero mahirap kang kalimutan,

Ala-ala mo'y nilulunod ako sa kailaliman.

Lumalayo ka na pero nagagawa ko pa ring ika'y lapitan,

kahit na ito'y pawang katangahan at kahibangan.

Ano bang meron ka't di ka maiwan,

ng puso kong sayo'y sunod-sunoran.

Di ko alam kung hanggang kelan ako aasa sa pangako ng nakaraan.

2
$ 0.00

Comments