Payapa

0 10

Isang simple at payapa lamang ang aking hiling sa kinakaharap.Simpleng pamumuhay lamang at isang simpleng pamilya hikahos man sa buhay ay nangangarap pa rin ako.

Anim kaming magkakapatid at ako na ang pinaka bunso..Hindi man kami lumaking mayaman ,Maipagmamalaki kong napalaki kami ng maayos at tama ng aming mga magulang.Kulang man kami sa mga materyal na bagay hindi ito naging hadlang para magkaroon kami ng inggit sa iba.

Tinuruan kami ng aming magulang kung paano makontento sa bagay na meron kami at dapat kapag may gusto ka eh pag hirapan mo ito upang makuha mo.Masarap maging laki sa hirap dahil kahit maliit na bagay ay nabibigyan mo ng importansya.Kahit mahirap ang aming pamumuhay di ito naging hadlang para kami ay lumaki na madamot.Alam namin ang hirap kaya alam din namin ang pakiramdam na mapagdamotan ka ng iba.

Masaya kami kahit sa simpleng pamumuhay lamang dahil higit na nanaisin ko ang dating pamamaraan ng pamumuhay namin kaysa sa ngayon..Mga kabataang wala ng kinakatakotan na ako mo eh alam na ang lahat.

Puro materyal na bagay ang iniisip ,Ang masaklap hindi na marunong gumalang sa nakakatanda na para bang kung kausapin na lamang eh ka edad nila ito..Maswerte ako dahil napalaki kaming mabuti at may takot ng aking mga magulang.

2
$ 0.00

Comments