'Panandalian'

0 6

Minsan masaya,Minsan malungkot kung ikaw ay naging isang "Panandalian lamang" Tipong akala mo para na kayo talaga sa isat isa pero hindi pala.

Nagsimula lahat sa isang 'Hi' isang strangehero ang pumukaw sa pagkakaupo ko.'Hi' miss..sabay lumingon ako isang lalaking bago sa aking paningin ;ako ang nagbabantay ng aming tindihan..

Hi miss, ulit nyang tawag sakin...Matipuno syang lalake at maganda kung ngumiti..."Bakkkkittt pooooo" nakalimutan kong nasa tindahan nga pala ako.. Kanina pako dito pabili naman po ng isang sabon at paload na din mahinahon nyang pagkakasabi habang ako'y tulala pa din ,Di naman sya kagwapuhan pero malakas ang kanyang dating..Bigla akong nataranta ng lalo pa syang tumitig sakin ,Miss okay ka lang ba? Asan na yung sabon ko at ito pala number ko...

Mukha akong gaga kase ibibigay nya na agad no.nya Haha nga pala nagpapaload din kami ,at sa wakas lahat eh nagawa ko na at ng aalis na sya sabay sabing 'Pwede ba akong dumalaw sayo?

Nagulat ako sa kanyang sinabi ,Napa Oo nalang ako ,Bakit ba ako nagkakaganito ang lakas ng kabog ng dibdib ko naluluka na ba ako di ko man lang alam ang kanyang pangalan tapos pumayag ako na dalawalin nya ako` Bahala na basta papakiharapan ko sya ng maayos.

Lumipas ang mga buwan at naging magkasundo na nga kaming dalawa at lumalim pa nga ang aming naging relasyon..Naging masaya kami walang naging problema at tumagal nga kami ng kalaunan ay nanlamig na sya ,Unti-unti akong nasaktan sa panlalamig nya sakin dahil akala ko'y kami eh para sa isat isa na dahil lahat ay planado na pamilya ko at sa kanya din..

Di ko namamalayan na ang dating naming mainit na Pagmamahalan ay mapapalitan ng isang salitang 'Ikaw ay naging isang "Panandalian lamang" Naging panandalian lamang nya pala ako dahil ng mga panahong nahulog ako sa kanya eh mga panahong di nya pala makalimutan ang unang minahal nya at ako ang naging sangkalan nya para maibsan ang kanyang lungkot..

Sobrang sakit na maging panandalian ka lamang na akala mo eh ayos na ang lahat yun pala ginamit ka lamang para sa kanyang sariling kapakanan..

2
$ 0.00

Comments