'Mataba'

0 11

'Mataba ito ay base sa aking figure..Opo mataba po ako 64 timbang ko..Kahit ako ay mataba hindi ko ito ikinahihiya..

Tabain talaga kami sa pamilya..Ngunit di mo maiwasan maapektuhan sa mga sinasabi ng ibang tao na kesyo 'Ang taba taba mo.! Ano kinakain mo feeds? Paalala sa mga taong matabil ang dila 'Tao po kami at Hindi Baboy..Opo mataba ako pero Pagkaing tao pa rin ang kinakain ko hindi po feeds.

Minsan pa nga eh masasabihan ka na losyang kna kase mataba, Bakit kaya ang daming taong walang ibang magawa kundi manlait ng iba ,Nagkakapera kaya sila sa bawat inuslto na ibabato nila sa kapwa nila.Kapag sinagot mo naman sila masasabihan ka ng bastos at walang galang..

Opo mataba ako ,Nakita mo na nga pong Mataba eh Paulit ulit kpa.! Kung nakita nating ganon manahimik nalang dahil di natin alam nakakasakit na tayo dahil merong mga sensitive na idinadaan sa biro pero dinadamdam nila iyo.

Sana maging aware tayo sa mga kinikilos at sasabihin natin sa kapwa natin, Bagkus eh bigyan natin sila ng positibong pananaw hindi yung idodown mo pa porket nakita mong mataba at ganon ang figure..

Sa lahat ng tulad kong 'mataba' dyan tuloy lang ang buhay, Huwag na nating intindihin ang sasabihin ng iba dahil tayo din ang mahihirapan..Ang mahalaga hindi tayo nangingialam sa buhay ng may buhay..

2
$ 0.00

Comments