Halos lahat na lang ng taong pwedeng pagtanungan ay tinanong ko na.
Upang mas maliwanagan kung paanong ang tao kapag iniwanan ng mahal nya ay natutunaw na parang yelo at naiiwanang nagmumukmok sa mga sulok ng kaniyang kwarto
Karamihan sa sagot nila ay kasi daw masakit
Masakit dahil minahal mo, masakit dahil naging parte na ng araw araw mo na kasama siya
Kasabay mong kumain at manuod ng mga palabas na lalong nagiging maganda dahil masaya kayo
Masakit dahil nasanay kayo na palaging magkausap mapatext message man o call hindi pa kasama yung mga usapan nyo sa messenger
Bakit nga ba masakit kapag iniwanan ka ng taong mahal mo?
Base sa karanasan ko, masakit ang iwanan ng taong mahal mo
Masakit dahil may isang tao na pumasok sa buhay mo na parang magnanakaw na tinangay ang mga importanteng bahagi nito
Masakit dahil parang nainom mo ang lason na naging parang patibong niya para unti unting pamanhidin ang mga parte ng katawan mo
Masakit dahil yung akala mong bahagi ng katawan mo ay isa palang tumor na unti unting sisirain ang kalamnan mo
Masakit dahil parang pinagkatiwala mo ang buhay mo sa isang gwardiyang walang malinaw na pagsasanay kung paano protektahan ito
Oo, masakit yun dahil ang mudo na dating ginagalawan nyo magkasama ay ikaw nalang ngayon ang natitira at kahit ilang ikot pa ang gawin mo para hanapin sya ay imposible na maibalik mo ang dating pagsasama na mayroon kayo.