Mga Bagay na Hindi Ko Kayang Mawala

25 94
Avatar for Khing14
3 years ago
Topics: Randomarticles

I've first seen this topic from @Pachuchay entitled "Things I can't Live Without". May ilan na ding nagsulat ng patungkol dito na namention din sa article nya, kaya makikitrending na din ako. This time, tagalog na muna yung version ko kasi nag nonose bleed nako sa kaka-english.

Habang binabasa ko yung article ni ate, narealize ko, meron din pala akong mga bagay na hindi ko maiwan iwan . Yung parang kapag hindi mo hawak eh may kulang sa sarili mo na para bang ang gaan gaan at hindi ka talaga mapakali.

Cell Phone

Bukod sa ito ang gamit natin bilang primary medium ng ating kumunikasyon sa mga taong malalayo o hindi natin kasama, ang Cell Phone din ay napakahalaga sa aking trabaho sa ngayon.

Naka work from home na ang set-up ko mula nang mag pandemic (March last year). Para makapag remote login ako sa computer ko na nasa office, kailangan kong mag authenticate ng login ko, at ang authenticator na yun ay nakaset-up sa aking cell phone. Kung kaya naman, hindi ko pupwedeng mamisplace ang aking cell phone lalo na sa oras ng trabaho.

BallPen

I think dahil din sa nature ng trabaho ko kaya naging habit ko nang magdala ng ballpen kahit saan ako magpunta. Kung kaya naman, hindi ko din mapigilan ang sarili ko na bumili ng ballpen sa twing may nakikita ako nito.

Dito palang sa desk ko, ganito na ang makikita ninyo.

Own Photo

Pagpunta sa kabilang kwarto, meron ding nakaready.

Own Photo

At lalong hindi dapat mawalan ng ballpen sa sala. Dahil anytime, pwedeng kailanganin bigla ang ballpen.

Ganyan ako ka-obsessed sa ballpen. Kahit kapag nasa office, palaging may nakatabing ballpen sa loob ng mobile bin ko. Hindi bababa sa tatlong ballpen para may back-up.

Ganun din sa mga bags na madalas kong gamitin. Palaging may isa o dalawang ballpen na hindi ko talaga inaalis. Kaya kung magkabiglaan at may kailangang pirmahan or fill-upan, nakaready na ako palagi.

Panali sa buhok

Dito sa bahay, bibihira akong maglugay ng buhok. Tuwing pagkatapos lang maligo ako nag iipit ng buhok. Kaya kahit saang sulok ka din ng bahay namin pumunta, pamihadong may makikita kang nakasabit na ipit.

Dito palang sa may workstation ko sa bahay, ito ang mga nakasabit kong panali sa buhok .

Own Photo

Hindi ko din alam, pero bukod sa nakakadagdag alinsangan pag nakaladlad ang buhok, nakikiliti kasi ako sa buhok ko pag gumagalaw galaw sa may batok kaya gusto kong palaging itali.

Panghaplas

Pero hindi pupwedeng wala dito sa bahay ng panghaplas. Madami kasi akong kirot kirot sa katawan lalo na sa may bandang likod at balakang, lalo na sa tuwing malamig ang panahon.

Sa bag ko naman, palaging may vicks o kung hindi naman kaya ay white flower. Bakit? Gamit na gamit ko po yan lalo na nung araw araw pa ako nagkocummute papasok sa opisina. Dahil palaging siksikan sa bus, hindi maiiwasan na may makakatabi kang hindi mo magugustuhan ang amoy. Syempre lalo na kung mga pauwi galing sa trabaho ang mga yan. Hindi naman tama na magtakip ka ng ilong sa harapan nila dahil nakaka insulto yun para sa kanila. Kaya itong Vicks or white flower ang aking katuwang laban sa mga di kanais nais na amoy ng aking mga katabi sa Bus.

Cell phone charger (sa bahay at sasakyan) , powerbank kapag commute

Ito po naku siguristang palaka din ako. Meron akong charger na nakapirmi lang sa bahay. Meron ding USB connector na nasa bag ko lang forever at meron ding nasa sasakyan namin.

Kapag umaalis naman ako ng bahay at commute, palagi akong nagdadala ng Powerbank.

Ayaw na ayaw ko kasi yung nalolobat ako sa gitna ng byahe. Naranasan ko kasi noon na namatayan ako ng cellphone sa kalagitnaan ng aking byahe (nagloko ang baterya), tapos hindi ko pa nasasabi sa asawa ko kung nasaan na yung bus na sinasakyan ko. Syempre, bilang nasa byahe ko, labis ang naging pag aalala nya dahil hindi na nya ako makontak bigla. Akala nya eh kung ano na ang nangyari sa akin. Pagbaba ko ng bus, andun na sya sa babaan at galit na galit dahil hindi daw ako makontak.

Mula noon, naging ugali ko na magdala ng powerbank sa tuwing umaalis ako ng bahay.

Ugali po kasi ng asawa ko na imonitor ang aking byahe pag nagcocommute ako, lalo na pag papunta at galing ako sa trabaho dati. Kaya wala akong kawala kay mister hehehe. Sa dinami dami nga naman din kasi ng insidente na nababalitaan na nangyari along EDSA, kaya siguro palagi syang nag aalala.

Kayo? may mga bagay din ba kayo na hindi nyo mawaglit waglit? Yung tipong kapag umalis ka at wala iyon ay parang may kulang.

Lead image source: Unsplash


Sya nga po pala, pakibisita na din ang page ng aking mga mababait na sponsors.

Sponsors of Khing14
empty
empty
empty

14
$ 4.58
$ 4.49 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Ling01
$ 0.03 from @Pachuchay
+ 2
Sponsors of Khing14
empty
empty
empty
Avatar for Khing14
3 years ago
Topics: Randomarticles

Comments

Ballpen, cellphone and panali sa buhok ang always kong nilalagay sa shoulder bag. Pati narin IDs and pocket money. Sobrang kailangan hahahha

$ 0.01
3 years ago

Ay true, Id din.. Hehehe...

$ 0.00
3 years ago

Di ko kayang mawala sya... Hahahaha anonpo yung cellphone talaga. Ang hirap mag survive ng isang araw without phone kaya need na need talaga to KAsi andaming gamit neto.

$ 0.01
3 years ago

ay truth po..para na yang mas mahalaga sa wallet natin..lalo na ngayon may BCH cheness pa diba.

$ 0.00
3 years ago

Ang daming ballpen wow hehe dto sa bahay laging nagkakandalawaan mga ballpen tapos yung ipit iilan lang din pahirapan pa makahanap laging nawawala din. But sa inyo ang organize po.

$ 0.01
3 years ago

naku sis, kaya madami yan..kasi nga lagi din nawawala...pati sa suklay, siguro 5 ang suklay namin dito sa bahay. Meron sa kwarto, meron sa sala. Sa ipit, kahit sa cr meron..hehehe..sa ballpen ganun din.. nakaugalian ko na bumili ng madami para hindi ako nahihirapan maghanap pag nawala ang isa.

$ 0.00
3 years ago

Hahah haplas for the win sis :D Ako di pwede walang pantali kasi sinasabunutan ako ni baby. Saken, siguro celphone din, haplas, alcohol.

$ 0.00
3 years ago

di ko na sinama sa list ko ang alcohol sis kasi parang sa panahon ngayon, required na meron talaga nun eh :)...Alcohol, facemask at face shield..kumbaga sabi nga sa isang radio station "automatic na yan"..hehehe

Haplas = forever na bestfriend yan lalo na kapag malamig ang panahon

$ 0.00
3 years ago

Haha tama ka jan sis :) Alam mo bang pati sa panaginip ko nagtaka ako kung bakit walang face mask at social distancing ang mga tao? Grabe

$ 0.00
3 years ago

Pangtali talaga sa buhok sis dahil napaka init na ng panahon ngayon ayoko ng nakalugay hair ko dahil hindi na siya shiny gaya ng dati hehe

$ 0.01
3 years ago

Korek sis.. Lagi ako may pantali sa hair na nakasuot sa braso.. Tinatanggal ko lang kapag tutulog na

$ 0.00
3 years ago

White flower mommy haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

yes sis!..napapatay nyan ang hindi magandang amoy sa paligid :)...hindi gamot ang purpose sa akin nyan..ahahaha...same sa vicks. gamit na gamit ko kapag nagkocommute. Sa bus pa naman eh halos magkapalit na ng hininga ang mag pasahero sa sobrang siksikan (before pandemic).

$ 0.00
3 years ago

Kapag traffic karamay ko Yan hahaha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

isa pa yun..nakakahilo din kasi pag matagal kang nasa loob ng sasakyan noh?

$ 0.00
3 years ago

Oo Lalo sa edsa jusko. Kapag rush hour 😂

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

relate sis!..worst experience ko 5 hrs na byahe jan dahil sa traffic ...

$ 0.00
3 years ago

Yung mas pagod kapa sa byahe kesa trabaho. Grabehan haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

truth..almost 3 hrs sa shift ko ang kinain ng traffic...alam ko nag half day leave nako nun eh :D

$ 0.00
3 years ago

Nawindang ako dun sa panghaplas sis, sabagay meron din ako nyan dito sa bahay lero keribels naman na wala. Siguro un sakit sa balakang mo eh kasi maghapon ka nakaupo lalo dahil sa nature ng work mo. Tpos un sa bus, relate ako jan, meron kasi talaga na malakas ang amoy, nananapak ba..

$ 0.00
3 years ago

korek sis..mahina ang sikmura ko kasi pagdating sa amoy amoy na yarnnn..kaya meron ako palaging vicks at white flower sa bag..pang patay sa amoy..hehehehe..

$ 0.00
3 years ago

Oh i have no idea what you talking about 😃

$ 0.00
3 years ago

it is written in my native languag (tagalog). Sorry,.You can translate in English if you want.

$ 0.00
3 years ago

Sa akin pantali at cellphone. Palagi din ako nagtatali ng buhok kahit nasa bahay. Hindi ako sanay pag nakalugay yung buhok ko. Yung cellphone lagi yang nasa tabi ko lalo na palagi akong tumitingin ng orAs.

$ 0.00
3 years ago

same sis...lalo na pag may work..palaging cp ang isip pagkagising para tingnan ang oras

$ 0.00
3 years ago