Ang Aking Covid-19 Vaccination Journey : Second Dose

14 44
Avatar for Khing14
3 years ago
Topics: Covid19, Vaccine

Date written: August 27, 2021

August 23, 2021, Lunes nung makatanggap ako ng text reminder from taguig regarding my second dose of Sinovac.

Pagkatapos na pagkatapos ng unang dose ko, nag file agad ako ng leave for my second dose schedule August 27, 2021 na agad naman naapprove ng boss ko.

Nagfile na ako ng leave dahil anticipated ko na hindi ko kakayanin pumasok dahil bukod sa conflict sa pasok ko yung schedule ng bakuna, sa byahe palang, ubos na ang oras ko. From Cavite to Taguig, mahigit isang oras ang pinakamabilis na byahe kung walang traffic. Pag commute naman, inaabot ako dati ng dalawa at kalahating oras dahil sa edsa ang ruta.

Dahil hindi ako marunong mag drive, kinailangan ako samahan ng asawa ko para hindi ako mag commute. At hindi din naman talaga sya papayag na mag commute ako.

Sobrang hassle kasi ang commute dahil ilang sakay din ang kakailanganin ko. Sa byahe palang papunta eh siguradong nakakapagod na. Idagdag pa ang init ng panahon.

Dahil nag uumpisa sa letter D ang apelyido ko, tinarget kong makarating bago mag 12 noon sa vaccination hub sa Taguig dahil ang nakalagay sa schedule base sa text na aking natanggap ay 10AM to 12 Noon.

Umalis kami around 9AM ng asawa ko dahil ang estimate namin na tagal ng byahee namin ay dalawang oras. Inihabilin lang namin ang mga bagets sa aming kasama sa bahay dahil may nga checkpoint sa boundary ng Manila at Cavite at hindi pinapatuloy ang mga may kasamang bata. Hindi pwedeng makumpormiso ang lakad namin kaya pra sigurado, hindi na namin isinama ang mga bata. Mabuti nalang din at tulog pa si bunso nung umalis kami. Hindi ako nahirapang magpaalam.

Dumaan kami saglit sa karinderya para mag almusal saglit si mister. Kanin at ginataang langka ang kanyang almusal. Hindi na ako kumain dahil nagpandesal at kape na ako sa bahay.

Sa makatuwid, nakaalis kami pagkatapos mag almusal ni mister, around 9:40 AM na.

Medyo madaming volume ng sasakyan ang palabas papunta sa national highway.

Nagdesisyon kami na mag express way na (SLEX) para mas mapabilis ang aming byahe at makaiwas sa traffic. Medyo may kamahalan nga lang ang toll gate.

Nakarating kami ng Taguig at around 10:50AM. Naghanao lang ng open parking ang asawa ko sa may Market Market dahil katapat lang din naman iyong ng SM Aura kung nasaan ang vaccination hub.

Naiwan sya sa parking lot sa may Market Market. Ako naman ay tumuloy na sa vaccination hub sa may Samsung Hall sa SM Aura.

Pagdating sa loob, lumapit agad ako sa nag aassist at nagtanong kung saan ang pila para sa mga tatanggap ng second dose. Agad naman akong inassist nung naka stand by na security guard.

Pagdating sa pila, agad kinuha ang aking vaccination card (for record validation ata) sabay bigay sa akin ng screening form.

Habang naghihintay sa pila, nag fill up na din ako ng screening form. Katulad din ito nung form na pinafill upan sa amin nung unang dose.

Sa harapan ng form ay may mga questionnaires na kailangan mong sagutan ng yes or no. Ito ay may kinalaman sa iyong kalusugan. Inaalam dito kung ikaw ay may ashtma or may comorbities o iba pang history ng karamdaman.

May typo pa sa form "SURIIN AND PASYENTE" sa halip na "SURRIN ANG PASYENTE"

Samantalang ang likurang bahagi naman ay ang iyong consent form.

Consent form na ang ibig sabihin, ikaw ay pumapayag na mabakunahan ng brand na available sa kanila during the time ng vaccination. Sila yung magsasabi kung anong brand ang ilalagay mo sa form. Meron ding portion sa consent form para ilagay mo kung pang ilang dose mo na ng brand na iyon.

Mas matagal ang paghihintay sa pila ngayon kumpara nung unang dose ko nung July 30, 2021. Mas marami din ang tao ngayon pero nanatiling napaka organisado. Walang nag aagawan sa pila.

15 seats kada batch ang pinapapasok nila sa vaccination area. Itong picture na ito,kasama na ako sa susunod na batch na papapasukin. Around 12:50PM ko sya nacapture which means magdadalawang oras na akong nakapila dahil 11AM ako dumating.

Dahil pandesal lang at kape ang kinain ko sa almusal, ramdam na ramdam ko yung gutom habang nag hihintay sa pila.

Para makalimutan ko ang gutom, nagcha chat ako sa kasama namin sa bahay na naiwan sa mga anak ko.

Kinumusta ko si bunso kung nagliligalig ba. Mabuti naman at behave kahit wala ako. Siguro nga totoo yung sinasabi ng ilan na mas maligalig daw ang bata kapag nasa paligid or kasama ang ina. Dahil kapag nasa bahay ako, matindi nagpabunso yang aking bunso. Panatag ako dahil kahit papaano ay nakikisama at hindi nag iinarte.

Maya maya ako sumisilip sa oras. Ala una impunto na pero nasa pila pa din ako, nagtitiis ng gutom at matyagang naghihintay na tawagin na para sa pagbabakuna.

Eksaktong 1:03 ng hapon, pinapasok na kami sa vaccination area.

Dun ko nalaman, kaya pala mabagal ang usad ng pila sa second dose, iisa ang nagtuturok, hindi kagaya sa first dose, tatlo.

Nagselfie na din ako saglit para may remebrance. Hahaha

1:08PM nung mabakunahan ako.

Napakagaan ng kamay nung nagturok sa akin ng bakuna. Ramdam na ramdam ko yung pagpasok ng gamot sa laman ko.. Haha.. Pero mas ramdam ko yung gutom ko ng mga oras na yan.

Pagkatapos mabakunahan ay pinatuloy ako sa monitoring area. Kasama ito sa kanilang protocol. Imomonitor nila ang pasyente sa loob ng 30 minuto. Kinuha nila ang blood pressure ko at ang heart rate habang minomonitor nila. Sinulat ang resulta sa form na hawak ko at pagkatapos ay ibinigay sa doctor na nasa harapan ng monitoring area.

Ang doctor ang responsable mag screen at magbasa ng final monitoring result. Sya din ang magbibigay ng permiso sa bakunadong pasyen8jte kung pupwede nang umalis.

Finally: 1:44PM, binigyan na din ako ng go signal para umalis. Inabot din ako ngayon ng halos tatlong oras. Halos doble sa itinagal nung first dose. Syempre nagselfie muna ako bago tulyang lumabas.

Sa wakas!! Kunpleto na ang aking covid-19 na bakuna!

Sakto pagbalik ko sa parking, padating din ang asawa ko. May dalang supot. Alam nyang gutom na gutom na ako kaya naghanap sya ng mabibilhan ng pagkain.

Henlin Siopao! Pwede na din pantawid sa gutom. Kinain ko habang nasa biyahe kami pauwi.

Pagkatapos ng ilang minuto, ramdam ko na ang pangangalay ng aking kaliwang braso. Katulad din ito ng naramdaman ko pagkatapos ko maturukan ng first dose ng sinovac.


Personal insights:

Sa mga nag aalinlangan na magpabakuna dahil nag aalala samaaring maging epekto nito sa kanilang katawan, sa totoo lang po, para sa sarili kong opinyon, dalawa lang po ang pagpipilian natin dito:

Itake ang risk na mahawa ng covid-19 na may severe symptoms, or itake ang risk ng posibleng maging reaksyon ng katawan sa bakuna.

Nasa iyo po ang pagpapasya kung alin ang pipiliin mo. Hindi natin maitatanggi ngayon na palawak na nang palawak at palapit na nang palapit sa ating nga tahanan ang virus. Nasa atin mismo kung paano natin mapipigilan ito.

9
$ 1.87
$ 1.82 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
Sponsors of Khing14
empty
empty
empty
Avatar for Khing14
3 years ago
Topics: Covid19, Vaccine

Comments

Congrats on completing your second 🥈 dose. I completed my vaccination 13 days ago with a gap of 47 days . Hopefully it safe because everyone telling it's dangerous no one know about it only God knows is this good for health or not?

$ 0.02
3 years ago

Why 47 days? Usually it is only 28 days right? What brand did you got?

$ 0.00
3 years ago

Exactly in my country after 21 days you need to inject 2nd days but my sister said to me don't take it. it's not good for our health that's why I delayed

$ 0.00
3 years ago

oh really? mine has 28 days interval.

$ 0.00
3 years ago

Taga taguig ka din pla sissy. Mga kapatid qo tpos na din pavaccine soon nlng din aqo kc d aqk ngpa vaccine d2 sa kuwait

$ 0.00
3 years ago

I think for now Hindi muna ako papavaccine. Kakagaling ko Lang sa fever and Hindi pa malakas immune system ko. Congrats pala sayu at graduate kana sa vaccine.

$ 0.00
3 years ago

Thank you.. Pavaccine kana din pag pwede..

$ 0.00
3 years ago

I think of it. I will soon. Keep safe

$ 0.00
3 years ago

Congrats! tapos ka na sa kabanata ng vaccine..

$ 0.02
3 years ago

Yes sis.. Tapos na din.. Hehe...

$ 0.00
3 years ago

I have my first dose today sisyy, moderna namn ung sakin..kakauwi ko lang mga 30 Minutes ago..at first i don't want to have any vaccine, but the thing that forced me to have it was the fact that it is one of the required documents for traveling, specially abroad.. and since i still have a plan to go back to work abroad,i decided to be vaccinated..

$ 0.02
3 years ago

Ay ou sis.. Requirements na ngayon pag magtravel is fully vaccinated.. Kung hindi naman, kailangan muna magpaswa test

$ 0.00
3 years ago

Sinovac din sakin, sis. Next week 2nd dose ko. Yung una kong dose, mejo parang pagod na pagod ako taz antukin at gutumin.

Congrats, sis!

$ 0.00
3 years ago

Ganun din saken nung una sis.. Inantok ako.. Bukod dun wala na.. Parang normal nalang

$ 0.00
3 years ago