Kung Hindi Siya Para Sa'kin, Sino?
**Sa billion na tao sa buong mundo meron kayang para sayo?** `Oh! Wag naman agad trigger sakin nagtatanong lang eh! Panimula palang ito mga dzai! Hahaha.` **Luna's POV:** "Hay buhay! Magpapasko na wala ka pa din bang dama Dwayne! Gumalaw ka naman! At oh! oh! Tigilan mo nga ako sa mga ngiti mong yan! Hahalikan na talaga kita!" nababaliw na kinakausap ni Luna ang picture ng binatang kanyang nagugustuhan. "Baka naman.." Basketball player si Dwayne sa paaralang pareho nilang pinapasukan. Dahil sa angking gandang lalaki nito at talino maraming nagkakagusto sa kanya at isa na dun si Luna. 6'11 ang height, maputi, matikas ang katawan, may mapuputing mga ngipin, bilugan ang mata at napakabang.. Whoo! Ano ba yun?! Ang baho! "Grabe ka naman!" sagot ni EJ "Ay kaya pala! Haha. Ano ba kasi yang kinakain mo?" "Singkamas na may bagoong. Grabe ka binilhan pa naman kita" "Ay nako! Di mo kasi sinasabi kagad. Penge!" "Oh diba! Patay gutom! Hahaha Si EJ ang matalik na kaibigan ni Luna na totoong mabaho ang hininga. Haha! Wag kayong judgmental na akala niyo napakabango ng hininga niyo! Bakit nagfo-floss kayo gabi-gabi?! Wala kayong tartar?! Sagot! Haha. 6'11 din ang height, moreno, hindi katalinuhan pero president ng school nila. Gwapo rin naman kaso hindi nag aayos. "Brace lang naman lamang niyan sakin!" biglang salita ni EJ, nasa bench sila ng training court ng mga varsity player. "Ano kamo?" "Wala! Ano ba nagustuhan mo jan? Dahil maputi ganon, basketball player?" "Correction! Magaling magbasketball. Maputi at mabango" "Ang babaw mo naman masiyado. Duda nga ako jan e" "Huh? Panong duda?" "Bakla yan. Tingnan mo labi nangingintab lagi" "Bakla ka jan! Sinisiraan mo pa. Siguro gusto mo din siya kaya sinasabi mo yan. Bakit pwede naman mag lip gloss ang lalaki a!" "Pwede nga sino may sabing hindi? Yung hindi tunay na lalaki. Hahaha. pang aasar niya kay Luna Sobra sobra talaga ang paghanga ni Luna kay Dwayne simula noong 1st year college sila hanggang ngayon na nasa 4th year na.. Dahil kay Dwayne wala ng bumubully kay Luna. Transferee si Luna at noon wala pa siyang kaibigan kundi si EJ lang. Kapag wala ito inaasar siyang kabayo dahil sa bibig niyang panguso dahil palabas ang ngipin niya na parang sa kabayo. Pinagtanggol siya ni Dwayne na para bang knight in shining armor ang peg ng mga panahon na yun. Bumagal ang takbo ng oras na para bang naglalakad siya papuntang altar nang biglang dumating si EJ. Sinuntok niya noon si Dwayne dahil sa pag aakalang kasali sa nangbubully. Pinaayos ni Luna ang ngipin niya at di na ito katulad ng dati. Pero kahit may make over na nangyare sa kanya hindi pa rin siya pinapansin ni Dwayne. "Kasalanan mo kasi ito eh! Sinuntok mo siya dati. Nag eepal epal ka kasi eh!" ani ni Luna Hindi kumibo ang binata dahil dinamdam niya pala ang mga sinabi nito "Nga pala samahan mo ako sa linggo a maghanap tayo ng mabibiling chocolate, reregaluhan ko si Dwayne sa valentines" Tumango lang si EJ ***Kinabukasan..*** Hindi pumasok si EJ sa klase. Hindi rin ito matawagan ang telepono. Lumipas na rin ang linggo at bukas ay valentines na. Busy pa rin si Luna sa pagprepare ng regalo para kay Dwayne. Luna's POV: "Hindi niya man lang ako tinulungan. Siguro may pinaghahandaan din siya! Hmmp. **Araw ng Valentines** Nagkakagulo sa basketball court dahil punong puno ng mga kababaihan. Hindi makita ni Luna kung sino yung chine-cheer nilang number 4. "Go number 4!" "I love you number 4!" sigaw ng mga ito "Sino ba yung number 4 na yun eh, mga kaagaw ko 'to kay Dwayne pag naglalaro ah. At tsaka number 10 si Dwayne. Sino ba kasi yung number 4 na yun?" patalon talon siya para makita niya kung sino yung pinagkakaguluhan ng mga babae. "Team Rocket wins!" sabi ng announcer "Whooo! Number 4! Number 4! Number 4!" nagsitakbuhan ang mga babae sa court "Huh! Talo sila Dwayne?! Paano?!" biglang natamihik ang lahat ng si Dwayne ay lumapit sa nakatalikod na si number 4. "U-uhmm.. Chocolates, for you.." ani ni Dwayne na halatang kinakabahan magsalita Ikinagulat ito ng marami. Nakatulala lang si EJ sa pagkabigla at nasaksihan ito lahat ni Luna. "D..dwayne?!" "E..e..ej?! Anong ibig sabihin nito?!!" Kaya ka ba nawala ng ilang araw dahil sa pasabog mong ito?! Ahas!! Mang-aagaw!!" umiiyak at humagagulgol na sabi ni Luna "Anong pinagsasabi mo?!" "Ahas ka EJ! Ahas ka!" yinakap ng mahigpit ni EJ si Luna sa makisig nitong braso. "Hindi ko alam ang sinasabi mo Luna, tahan na tahan na" mahinahon nitong sabi Nakaramdam ng kakaibang sensasyon sa katawan si Luna na parang sasabog ang dibdib niya. Ni minsan hindi pa siya nayakap ni EJ kaya siguro ganon lang 'yon. "Ang bango niya.." "Teka, teka! Bakit nga pala nawala ka ng ilang linggo?! At anong gimik mong 'to?! Bakit ka binigyan ng chocolate ni Dwayne?!" "Sinabi ko naman sayo na hindi lalaki si Dwayne. Nawala ako ng ilang linggo dahil kinausap ako ni Coach Robert na maglaro sa grupo nila dahil kinulang sila ng isa, na-injury yung isang player niya. Sumama ako sa training. Inayos ko din yung sarili ko para naman mapansin naman ako ng babaeng gusto ko." hinawakan niya ang pisngi ni Luna at sila'y nagkatitigan "Haaaa!" binugahan ng hinga ni EJ si Luna "Hindi na ako mabahong hininga :)" **Wakas** **HAHAHAHAHAHA! Akala niyo magki-kiss 'no?** Sana hindi kayo nautot sa tawa. Hahaha
https://eastrosedental.com/en/is-tartar-removal-painful.html **Panatilihin natin malinis ang ating mga ngipin** ***Visit your dentist every 6 months*** Leksyon Minsan tumingin ka din sa taong nakapaligid sayo. Malay mo sa kakahanap mo ng magmamahal sayo, nasa tabi mo lang pala, mabaho nga lang. Hahaha char! Marami tayong baho sa buhay pero mas mabuti na umalingasaw ang baho mo kesa sa pagtatago mo sa mabangong pagkukunware. **Oha! Naitawid ko pa yan. Hahaha** Entry ko sana 'to kasi Buwan ng Wika kaso madaming Ingles na di ko din kaya i-translate haha see? ay este diba? Hahaha. Baka din dumugo ilong nyo.
Salamat sa pagbabasa :) Wag kakalimutan magfloss sa gabi! Haha Kelzy Speaks
12 comments
Makavisit nga sa dentist bukas š
Pwede na bang gawing video clip commercial ng Dental Clinic? Hahaha Dzai salamat pala a š
xoxo
Kakaiba..haha ang galing natawa ako sa ending.. hehe sub kita sis
Paalala po talaga ito para linisin ng maayos ang ngipin e hahaha char! Ako din sayo mii <3
Thanks sis.. ang galing mo gumawa..ngabbaasa kaba ng mga tagalog novels?
Wattpad ganon po. Hahaha ewan ko bakit biglang naging comedy yung resulta dapat talaga love story lang yan at may chapter chapter pa haha kaso kagabi tinatamad ako magfloss kasi ang hassle pag may brace ayun tuloy naiba na haha
Hahaha naging comedy nga sa ending
Dati hindi ako nagfo-floss tamang tootbrush lang haha nung gusto ni mama na magkaron ako ng brace para mapaayos ngipin ko kasi kagaya ni Luna paangat din ngipin ko dati haha ayun ngayon okii naman na. Nung nasa dentist na ako nagulat ako ang dami ko palang tartar tapos matigas na siya ang baho naamoy ko hahaha inadvise ni Dentist na magfloss pa lagi kahit pala mag toothbrush tayo yung mga tinga tinga di nasasama yun nakakapag cause ng tartar at baho ng hininga haha
Hehe pero aalingasaw pa din po yung amoy, tatagos sa facemask char haha
Hahhaa maraming mga badbreath talaga ang nasave sa facemask at shield
Buti nalang may face mask na hindi na makikita kahit matartar ngipin šš