November 01. Ito yung araw ng paggunita sa mga namayapa nating minamahal sa buhay. Meron maagang kinuha satin, mga magulang, anak, Lolo, Lola. Namayapa ng payapa, namayapa ng biglaan, namayapa dahil sa karamdaman. May kanya kanya tayong paraan ng paggunita. Pag punta sa kanilang puntod. Pagtirik ng kandila sa simbahan kasama ng dasal. Pagtirik sa ng kandila sa tahanan at pag alay ng sariling dalangin. Paghahanda. Kanya kanya man ang ating paraan ng paggunita, iisa lang ang kahulugan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet