Halaaa ang saya, nag chat 'yung kaibigan ko na gusto niya na daw ipagpatuloy ang pag aaral next school year. Tumigil kase siya, Family problem. Hindi ko naman siya masisi kase hindi ko naman nararanasan 'yung nararamdaman niya kaya sabi ko susuportahan ko nalang siya kung ano 'yung gusto niyang gawin. Nung last semester, tinanong ko siya kung gusto niya mag enroll kaso ayaw niya daw. Hindi ko na rin pinilit kase baka hindi pa talaga siya ready. Kanina, nag chat siya, tulungan ko daw siya mag enroll next school year. Grabee pinagdadasal ko 'to eh, buti nalang pinaglinaw na ni lord 'yung isipan niya. Wahh ang saya ko ngayon HAHAHA sobrang saya ko para sa kanya SKL
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
i'm Happy ka kanya sis.. Good luck and Godbless da PAg aaral niya.
Sana tuloy n tuloy n nga syng din kc panahun pag nagstop