read.cash Log in
@Kaeyousse more from that month

Kanina pa ako nanonood ng mga video sa FB tapos naligaw ako sa video clips ni ForeignGerms. 'yung mga content niya is social experiment kung tutulong ba 'yung mga tao sa paligid niya. Nagpapanggap siyang pulubi tapos kunwari hihingi ng pera or pagkain. Grabee ang wholesome nung mga video. Nakakaproud at nakakataba ng puso kase 'yung mga mahihirap, sila pa talaga 'yung tumutulong. Lalo na sa isang video niya, rich vs. poor. Kung sino ang unang papansin at tutulong sa kanya, walang pumansin o lumapit na mayaman o may kaya sa kanya. Ang tumulong pa eh 'yung mag bubuko juice. Grabe, tunay nga naman na ang tutulong pa talaga sa'yo ay 'yung kapwa mo nakaranas din ng hirap. Salute po sa lahat ng mga taong pinipiling tumulong kahit kapos din sa hirap ng buhay! Pagpalain po kayo nawa ng Panginoon.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.