Naranasan ko na naman nung isang gabi ang aking kinakatakutan. Dinalaw na naman akong nang aking insomnia. Magdamag na gising dahil hindi makatulog. Sa araw naman ay hindi rin ako nakakatulog kaya buong araw at gabi na gising. Hindi na bago sa akin 'to, maging ang mga pinsan ko ay may mga insomnia rin. Sabi nila namana ko na raw 'yun dahil halos lahat kami sa bawal pamilya, nararanasan ang insomnia. Napakahirap para sa akin kase pag dumadating na ang gabi, natatakot na ako. Makakatulog ba ako o hindi? Palagi ko nalang isipin, nakakapagod na. Hindi naman sa hindi ako nagdadasal o nagpapadaig ako sa mga problema ko. Bigla bigla lang talaga susumpong na hindi ako makatulog at kahit ako'y hindi maintindihan kung bakit nangyayari 'yun sa akin. Ewan ko ba, hindi naman ako depressed ko kung ano, hindi rin ako masyadong babad sa socmed at gadgets ʕ•ﻌ•ʔ
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet