Dumadami na naman ang dalo-dalo (gamo-gamo ata tawag sa iba) sa bahay namin. Lagi nalang pag gabi tapos may nakita akong mga ilang dalo-dalo, matik na dadami na sila mamaya HAHAHA. May mga pagkakataon na sobrang dami talaga tapos kailangan namin patayin lahat ng ilaw sa amin tapos lumabas ng bahay para umalis na yung mga dalo-dalo. Tapos after humupa or nawala 'yung mga 'yun, pagbukas namin ng ilaw ang daming mga pakpak sa sahig juskoo 😂 skl, naranasan niyo na rin ba 'yun?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Sa Province po Lagi po naming naranasan Yan. Sabe po kasi nung Nanay ko kapag daw po pinansin Yun mas lalong dadami .Tapos pinapatay po namin yung ilaw sa loob tas nagsusunog po kame sa lava para dun po sila pumunta