Ewan ko ba, pero iba yung nararamdam ko kapag pinapanood ko ang kalangitan kapag dapit hapon na. Ibang klaseng ginhawa at kapayapaan ang aking natatamasa sa tuwing titingala ako sa kalangitan, papanoorin kung paano humimlay at magbigay daan ang araw para sa buwan at mga bituin. Totoo nga namang hindi lahat ng bagay ay sabay sabay sisikat. Katulad ng araw at ng buwan, ganon din ang tao. Hindi porke't nauna na sumikat ang iba, hindi na darating ang oras mo para mapansin. Kailangan mo lang maghintay at magtiwala na darating din ang oras at pagkakataon mo :)) Isang magandang hapon sa ating lahat!
1 comment
tama, may kanya kanyang timing ang tao. Tiwala lang sa Panginoon at matutong maghintay.