Grabe sobrang stress ko kaninang umaga skl. Yung kinakatakutan ko tuwing group reporting nangyari :(( akala ko kagabi ayos na lahat, may mag pepresent na nung PowerPoint namin tapos aattend silang lahat. Aba kaninang umaga, buti maaga ako nagising. Nag chat yung isa kong kagrupo na magpepresent sana ng PowerPoint namin Sa Gmeet, hindi daw siya makaka attend kase may emergency sa kanila 😅 yawaaa HAHAHA 8:00 am reporting namin tapos 7:00 ko nabasa, sobrang panick ko talaga kase kailangan kong aralin yung part niya kase hindi naman pwede na walang magreport noon. Hindi pa online yung iba kung ka group kaya lalo akong Kinakabahan na baka hindi rin sila umattend. So iyon, flex ko lang din yung prof ko na sobrang bait 😭 tinanong ko kung siya yung pwedeng mag present ng PowerPoint tapos pumayag siyaaaa. Hindi ko rin naman pwedeng iblaim yung iba kong ka group sa nga nangyari kase hindi rin nila kontrolado or ginusto yung emergency nangyari sa kanila kanina. Sa wakasss nakaraos rin HAHAHAHA
No comments yet