Sakit ng aking katawan huhu. Ilang oras lang naman ako pinag alaga ng bata pero parang ilang taon ang itinanda ko sa stress 😆 Grabe, sobrang likot HAHAHA tumalon nalang ng tumalon, takbo dito takbo doon tapos ako naman habol lang ng habol sa kanya. Iba yung stress pag nag aalaga ng bata, natatakot kase ako na baka madapa o masugatan. Hindi ko pa naman kaclose yung bata at 'yung magulang. Mamaya pagalitan ako tapos sabihin na hindi ko binabantayan anak niya. Bigla tuloy akong natakot kase baka mamaya mapadali siya sa mga edges ng mga bagay bagay sa amin, ang liit pa namang bata jusko. Hindi ko alam kung paano ko ihahandle kase hindi ko naman siya lagi nakakasama 😂
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet