read.cash Log in
@Kaeyousse

@Kaeyousse in May 2022

@Kaeyousse

Luh?? OMGG. 1 month na pala ang nakalipas simula nung last post ko dito 😭😭. Grabe 'yun, parang dati halos mas active ako dito kaysa sa fb pero ngayon halos hindi ko na talaga mabisita ang account ko dito. Anyways sobrang stressful ng finals. Hindi na kami nilubayan ng activities. Magandang gabi po!! Gusto ko na ulit talaga magpaka active ulit dito HAHAHAHAHA

@Kaeyousse

Champorado, tamang tama sa malamig na gabi!! Kain po kayo πŸ₯£ Halos mag hapon na ang pag ulan sa amin kaya medyo malamig ang temperatura ngayon. Nagluto si mama ng champorado para maibsan ang lamig at dahil na rin namiss namin kumain nito. Kumain na po ba kayo mga kababayan?? Kain na po kayo ng hapunan! Pakabusog po tayong lahat

@Kaeyousse

Good evening!!! Nakakapagod ang araw na ito. Naglaro kami kanina ng mga kaibigan ko pangpawala ng stress HAHAHHAHA. Ang saya pala mag laro ng among us πŸ˜† Laugh trip pag ikaw 'yung impostor tapos ikikill mo sila HAHHAHAHA

@Kaeyousse

Bumili si mama ng yelo sa kapitbahay namin HAHAHHAAHA. Piste ang laki πŸ˜† Wariko'y pag napaltok sa'yo 'to ay tulog ka. Naubusan daw kase ng pang yelo na plastic 'yung tindera kaya dito nalang nailagay. Pero mura lang siya, 5 pesos lang din. Lugi ata 'yung tindera

@Kaeyousse

Hello!! Good morning everyone. Nakapag almusal na ba ang lahat? Kakatapos lang ng isang klase ko kaya ngayon lang ako nakagreet sa inyo. Kumusta naman po ang tulog ng lahat? Nawa'y nakumpleto niyo ang walong oras na tulog para may energy tayong lahat ngayong umaga. Palaging maging positibo ang pananaw sa buhay at hanapin ang kabutihan sa lahat ng bagay. Ingat po tayong lahat!

@Kaeyousse

Good evening!! Skl 'yung nakita ko nung sumama ako sa palengke kay mama para bumili ng paninda ng lola ko sa sari sari store niya. Charaaan!! Tanda ko dati nung elementary days ko, dito nauubos ang pera ko sa mga candy na 'yan HAHAHHAHA. Sobrang gustong gusto ko 'yan. May mga araw nga dati na naglalakad nalang ako pauwi dahil naubos na 'yung pera ko para sa pamasahe πŸ˜†

@Kaeyousse

Magandang gabi!! Umuulan ngayon sa amin. Tamang tama lang ang ambiance habang nanonood ng movie at nagpapa antok. As usual, tambak pa rin ako ng activities pero syempre, tinigil ko muna ang pag gagawa para magpahinga. Nanonood kami ngayon nung batman 2022, actually hindi ako fan ng ganitong type of movies pero eto 'yung nadownload ko habang nag aantay sa pila nung election πŸ˜†

@Kaeyousse

Good morning!! Nasa rambutanan ako ngayon dahil wala na namang signal ang globe at home modem namin πŸ₯² Ang hirap mag online class ng ganito HAHAHHAHA. Ang dami pang niknik tapos nakatayo pa ako, hindi ak makapagfocus lalo sa tinuturo ni ma'am. Anyways, kumain na po ba kayong lahat? Panibagong araw, panibagong gawain na naman πŸ˜† kapit lang, matatapos din 'yan

@Kaeyousse

Saging lang ay may puso, saging lang! Emz, HAHAHAHAHHAHA. Kain po kayo ng pritong saging, meryenda bago kumain ng tanghalian. Nakakagutom kase ang stress, charot.

@Kaeyousse

Tapusan ng libot sa amin ngayon!!! Grabe ang cucutiee ng mga bata. Lalo na 'yung mga babies, ang cuteee. Naalala ko tuloy nung medyo bata pa ako, sinali din ako ni mama sa ganito HAHAHHAHAHA.

@Kaeyousse

So eventually, after ng tupusan ng libot, we have this little proram- more like palaro sa mga bata, matanda at feeling bata HAHHAHAHA. They are currently playing sack race and everyone is enjoying it. Nakakamiss 'yung ganitong mga ganap, it's been a while since nagkapandemic nga. All are genuinely happy and smiling πŸ₯² it's really fun!! 🀘

@Kaeyousse

Hayy ang buhay parang life 😞 emz HHAHAHAHHA. Jusko second sem, ang sakit sakit mo. Gusto ko lang naman mag aral at makatapos pero parang ito ang tatapos sa akin. May recitation kami bukas, kanina lang sinabi ang coverage nung recitation. Buong module pala ng finals πŸ’€ jusko kainaman, paano ko naman sasauluhin lahat ng 'yon sa isang gabi lang HAHHAHAHAHA. All nighter era ko na naman ba ito? Parang hindi ko keri. Anyways, nakakapag phone ako ngayon dahil binigyan ko ang aking…

@Kaeyousse

Good morning!! Kakatapos lang ng first period class namin. Bali ngayon ang recitation namin, pang 12:30 pm. Magkaka alaman na kung worth it ba 'yung puyat at aral ko kagabi. Tamang review lang ulit ngayon dahil hindi pa ako masyadong confident na sa ulo ko na lahat. Kastress legit, hindi na nga ako nagkape para hindi ako mag palpitate mamaya ng todo HAHAHHAHA

@Kaeyousse

Gumawa kami ng candy tower para sa pamangkin ko, birthday niya last week tapos nung Sunday lang namin cinelebrate. Grabe ang bilis ng panahon, parang dati lang baby palang siya tapos ako pa ang nagduduyan sa kanya. Ngayon naman, parang mas mauunahan niya pa ako magdalaga πŸ₯² Grabe ang effort at paso namin sa paggagawa ng Candy tower na 'yan HAHAHHAHAH sana naging masaya siya sa birthday niya

@Kaeyousse

Good morning guys!!! Rise and shine 🌻🌺 Miyerkules na, konting araw nalang Friday na ulit πŸ₯² Kain po kayo guys, mainit na sopas para sa umagang kay lamig. Kay aga naman ng klase namin kaya heto ako ngayon, nagtytype ng pang post dito habang nakikinig sa discussion πŸ˜† Nakapag almusal na po ba kayo??? Kain kayo ng madami mga kaibigan!

@Kaeyousse

Nakakamiss 'tong how how HHAHAHHAHAHA. Nakakita ako kahapon nito sa bayan tapos chocolate flavor pa πŸ˜† ang sarap, parang bumalik ako sa pagkabata ko