Buhay OFW
Noong paalis palang ako papunta sa ibang bansa excited ako kasi makakapunta na ako sa ibang lugar iniisip ko kong ano ang madadatnan ko bilang isang OFW, yong mga pangarap ko para sa pamilya ko yong kaba na baka hindi ko kakayanin nang makarating na ako sa destinasyon ko namangha ako ibang iba sa nakasanayan ko yong temperatura ang mga tao at dito ko na nga naranasan ang Homesick na tinatawag yong pilit mong nilalabanan yong mga luha mo pero kusang pumapatak naiisip mo ang pamilya mo sa pinas kong okay lg kaya sila kong kumain na sila habang tumutagal ang araw at ang buwan iba na ang nararamdaman ko yong pagod sa trabaho gigising ka,papasok uuwi pagising mo papasok na naman sa araw araw na ginawa nang diyos yon lg ang routine ko bahay trabaho, trabaho bahay pag araw naman ng restday hindi ka naman makakagala pipiliin mo na lang magpahinga para may lakas kinabukasan Ilang pasko na rin na hindi ko kasama ang pamilya ko pero pilit kong nilalabanan ang lungkot iniisip ko na lang kaya ko to para sa pamilya ko lahat ng paghihirap ko para din sa kanila Ngayong papalapit na matapos ang kontrata kay sarap sa pakiramdam na makakauwi sa lupang sinilangan kay sarap sa pakiramdam na makikita ko na ang aking pamilya na halos dalawang taon din
No comments yet