Nakakalungkot: Online Class

5 45
Avatar for JvAnora
3 years ago

Magandang gabi mag babahagi lang ako ng aking opinyon patungkol sa Online class. Ako ay 3rd year college na nahihirapan ako sa online class dahil wala naman ako sapat na kagamitan o gadgets para makipag video conference para sa nalalapit na pasukan. Nakakalungkot lang isipin na paano pa kaya yung iba pang mahirap na di kayang makabili ng gadgets mas inuuna ang pang araw-araw na pagkain tapos magagastos lang para sa makabili ng gadgets at pang load para makasali at maka-attend sa online class. Nakakalungkot at napaka sakit na isipin o makita na kapwa kong estudyante na mas higit pa na wala kesa sakin di makapag enroll. Sa totoo lang dapat iFreeze muna dapat ang pag-aaral. Di bali nang malate grumadwait kesa naman magkasakit diba? Ang buhay ay iisa lamang at hiram pa natin ito. Hindi ba natin dapat ingatan? Ingatan natin ang ating mga sarili sapagkat ito nga ay hiram lamang natin sa diyos.

Sa aming unubersidad may nabasa ako sa kanilang facebook post na Gumawa nadaw sila ng paraan kaya't ang mga estudyante naman ang gumawa ng paraan. Sa aking palagay hindi na talaga ma ifreeze ang academic ngayon semestre. Paano naman yung walang-wala talaga? yung tipong baon at pang kain sa araw-araw ang prinoproblema ngayun pang online class na. Ang lumalabas kasi dito eh kung sino ang MAYAMAN at MAY KAYA ang makakapag-aral ang mga MAHIHIRAP ay hindi makakapag-aral. Nakakalungkot lang. Hindi mo masasabi na gumawa ng paraan kung salat ka talaga sa pera at yung pinang papaaral mo ay dinidiskartehan mo lamang para ikaw ay makatapos. Ngayon? Diskarte? Hindi mo magagawa dahil naka MECQ nanaman hindi pupwede makalabas ang iilan. Walang hanap buhay ang iba. Tapos masisingit pa ang online class? Diba? .

2
$ 0.00
Sponsors of JvAnora
empty
empty
empty

Comments

Grabe kasing pandemic to..Madami tuloy nahihirapan sa pag aaral😓

$ 0.00
3 years ago

Yes po. Masakit sa damdamin ang pandemya na ito. Nasasaktan din ako sa aligaga ang mga magulang ko para lang masuportahan ang pag-aaral ko kapos nga kami minsan iisipin mo pa gadgets hays.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga dapat magsikap ka upang iyong maabot ang Rurok ng tagumpay ng sa ganon ay makabawi ka sa iyong mga Magulang

$ 0.00
3 years ago

Lahat naman po may ninanais na tagumpay. Kaniya-kaniyang diskarte nalang.

$ 0.00
3 years ago

Diskarte at pagpupursige💗

$ 0.00
3 years ago