Kung ayaw na, wag nang pilitin pa.

0 11
Avatar for Julydz
Written by
4 years ago

Marami talaga sa atin ang laging nahihilig sa salitang "hold on". Yong tipong kahit hirap na hirap na, nasasaktan na stay parin at kotang kota na sa salitang "ayoko na!" pero malaking joke lang pala kasi ang ending nanatili parin. Minsan nakakatanga yong idea na kahit nasasaktan na dahil sa salitang mahal parin kita ay nag hohold on pa. Syempre doon ka sumasaya eh. Pinipili mo paring magmahal kasi nga alam mong doon ka sasaya. Yong tipong gigising ka sa umaga na may saya, my ngiti sa mga labi kahit minsan iyak naman ang kapalit. Hindi rin natin masisisi ang mga taong nagmamahal kasi nga naman parte ng Pag-ibig ang sakit. Basta subok lang ng subok. Ano nga bang ipinaglalaban ko dito? Well, ang tanging alam ko dapat tayong mag hold on sa taong karapata dapat ikeep. Sabi nga sa kanta "letting go is just another way to say I always love you so..." kaya dapat para tayong driver. Preno preno din pag may time wag puro premera o sugod ng sugod kasi masakit mabangga at madisgrasya. Sa mga nasaktan ayos lang yan, marami jan iba. Masakit sa umpisa pero isipin mo makaka move on ka! Let go pag ramdam mong tama na! Lumaban ka pag sa tingin mong worth it at kaya pa.

1
$ 0.00

Comments