Susulitin ko na habang bata ka pa. Susulitin ko na habang kaya pa kita buhatin. Susulitin ko na habang nagpapahalik ka pa. Susulitin ko na hangang sa akin pa umiikot ang mundo mo. Alam ko naman na dadating yung araw na hindi na lang sa akin iikot ito. Madami ka na makikilala at makakasama. Kaya mo na tumayo sa sarili mong mga paa, Hindi na kita kailangan samahan. Matuto ka na din magmahal at bumarkada. Pero sana sa pag dating nang panahon na yun wag mo kakalimutan si mama. Lagi mo tandaan na andito lang ako, ang una mong naging kaibigan, ang una mong minahal at ang magmamahal sayo na walang anumang kapalit. ©Makatang Ina
No comments yet