Magandang araw sa inyong lahat lalo na sa mga kapwa kong Pilipinong manunulat, kaibigan at kakilala ko dito. Bilang ang buwan ng wika ay ipagdiriwang sa buwan ng Agosto, sa kauna-unahang pagkakataon ako po ay magsusulat ng aking artikulo sa wikang Filipino. Ang mga salitang aking gagamitin ay Tagalog.
Mula pa noong ako ay nasa elementarya pa lamang, inaabangan ko na po talaga ang pagsapit ng buwan ng Agosto sapagkat ako'y natutuwa at nagagalak sa taunang selebrasyon ang Buwan ng wika. Pag ganitong okasyon merong isang araw na nilalaan ang aming paaralan para makilahok ang aming mga magulang sa mga palaro at ibat ibang patimpalak na ginaganap kapag buwan ng wika. Kanya kanyang dala ang bawat pamilya ng sari saring pagkaing pinoy mapa ulam man yan o kakanin, mga gulay at prutas. Tulong tulong din ang mga magulang at magaaral para sa pagpapaganda ng kanilang mga silid aralan.
Gaano nga ba kahalaga ang buwan ng wika?
Bilang isang Pilipino, isang mag-aaral mahalaga sa akin ang buwan ng wika, sapagkat ramdam na ramdam ko ang pagbabalik tanaw sa ating napakagandang kultura. Gaya na lamang ng pagbigkas sa ating wika, ang pagbigay pugay sa mga taong nakipaglaban noon para sa ating kalayaan. Nagkaroon tayo ng sariling pagkakilanlan dahil din sa ating wikang Filipino. Sino ba ang hindi mabibighani sa mga sayaw tulad na lamang ng tinikling, singkil, pandanggo sa ilaw, kuratsa at iba pa. Pag dating naman sa palaro gustong gusto ko iyong pabilisan sa kadang kadang at palo sebo.
Pero ng dumating ang pandemyang halos kinakatakutan ng lahat, nahinto po ang mga pagdiriwang na gaya nito bagamat meron naman kahit paanu iyon nga lamang ay "online" o pag gamit sa makabagong teknolohiya para maipagpatuloy ang pagaaral. Malungkot sapagkat kinagisnan na ng pilipinong magaaral ang ganitong okasyon. Subalit wala po tayong magagawa dahil para naman ito sa kaligtasan ng lahat ng mag-aaral.
Naalala ko tuloy ang isang linya na nasa liriko ng kanta ni Florante na "Ako'y isang pinoy" ito naman ay hango mula sa pangaral ni Gat Jose Rizal na ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda. Kaya huag nating ikahiya ang ating sariling wika bagkos ipagmalaki natin ito kahit kanino man. Maaring sa mga bagong henerasyon ng mga kabataan ay tila wikang banyaga na ang nakasanayan. Hindi na ako lalayo pa sapagkat ang aking nakababatang kapatid ay hindi nakikipagusap ng Filipino sa amin dahil mas sanay siya sa wikang Ingles at Chinese. Gayunpaman ay lagi namin pinapaalala sa kanya na huag isantabi o bigyang halaga ang pagsalita ng sariling wika dahil isa kang Pilipino. Kaya naman ngaung selebrasyon ng kanilang buwan ng wika siya ay aming napakanta ng isang awiting mula sa likha ni Maestro Levi Celerio na ang pamagat ay "Ang Pipit".
Aaminin ko, kahit ako ay hirap sa pagsusulat ng artikulo kapag wikang Filipino kaya paumanhin po sa aking mga kababayan kung meron man kamalian ang ibang gamit kong salita.
PS: To my foreign friends and readers, this is my first article here written in Filipino language as my way of giving value and respect to my native language Filipino as we are celebrating "buwan ng wika" (Language Month) every month of August. Wika is a Filipino word which means Language. My article talks about how we value our own language. And I also mention about the different filipino dances and games during this celebration.
Lead image is from Steemit
Tinikling photo is from Griots Republic
Gat Jose Rizal " Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda".
Importante talaga na kahit isang beses ay ipagdiwang natin ang sariling wika natin. Nakakatakot baka dumating ang panahon na kahit tayo mismong mga Pilipino ay hindi kilala ang sariling atin.