read.cash Log in
J@Jonax27 more from that month

Tinig ng Kalayaan

Isinulat ni:Jon Jun F.Ignacio Bawat panahong maisasakatuparan Ang salita'y ibigkas at mararamdaman Tunay na kahalagahan sa pambansang wikang pinaghirapan Ng dating pangulong may nais ihatid sa bayan. Kalayaan ng bansa'y binuksat nilantad Sa wikang batid niyang pinaunlad. Sa bansa'y isinulong at ipinalaganap Para bang bulaklak na nagkalat ang halimuyak Ang tinig ng wika'y nararapat Sa pagbibigay damdamin at pag-uusap Upang mabuhay sa pagkakaisa tayong lahat Malaya't masaya sa pagbibigay hangad Ako'y tinig nitong wikang pambansa Na gamitin ng mabuti at maging bihasa Kung kaya ko ang tungkulin nitong bakas na iniwan Di magkakamaling tinig ng wika'y sayo'y naninilbihan Ang di pagmamahal sa wika ay bansang walang kalayaan Bansang madungis,at walang pangarap Pawang pinakawalan nito ang tinig ng wika Dahil itoy sumasagisag sa makataong gawa. Ipagmalaki at ito'y ating paunlarin Dahil ang pambansang wika'y nagmamahal man din. Kung tayong mga kabataan wika'y iibigin ng labis Kabutihang ginawa wika'y magnanais Ngunit kapag ang lahat ay taliwas Ang wika'y iiba at malalagas Parang pagkagat na walang tamis sa mansanas O di kaya ay Pilipinong walang ipapamalas Tayo ay mga kabataang may magagawa Sa pagsasabuhay ng pambansang wika Kung ika'y namulat huwag ikahiya Ito'y intrumento ng bansang maharlika Kapag pambansang wika'y hindi ginamit Ay parang bulaklak na nalanta sa init Tulad rin ng Ilog na di masagana At batang bulag na walang kaluluwa Ngayong alam na ang tinig ng wikang pambansa Tinatawag kita sa iyong pagpapasya Na gamitin Ito at bigyan ng kasaysayan Dahil Ito ang nagpakawala sa nakagapos na kalayaan. #PAGMAMAHALSAWIKA #GASDOVE

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.