read.cash Log in
@Johnlab17 more from that month

Kathang Isip

Merong isang kwento na sadyang kinagigiliwan ko Isang taong nag bago dahil sa kathang isip na kanyang binuo Binuo ng pagmamahal at sakit sa dulo Kaya basahin niyo ng taos- puso sapagkat sa tingin ko kayo’y matututo   Ito’y aking sisimulan sa simpleng pagtingin niya sayo araw- araw Na siyang nagpapabilis sa takbo ng kanyang puso’t isipan kapag lumalapit na ay ikaw Bakit nga ba palaging ikaw, sa kanyang isipan lumilitaw At kinadalamhati kung hindi masilayan ang iyong ngiti na ‘sing ganda ng sikat ng araw.   Sa araw-araw sa gate palaging naka abang Ang tingin niyang sadyang hinahanap ay ikaw lamang Minsan nga,  siya’y natatawa kapag nahuli mo siyang sayo’y nag- uusisa Kung darating ngaba o aabsent pala.   Mga panahong ika’y kanyangg nasisilayan Buong katawan niya’y punong-puno ng munting kilig at kasiyahan Na siyang nagpapaganda ng kanyang umagahan hanggang sa haponan Kay saya niya di mo ngalang namamasdan.   Sa tuwing may gagawin palaging sayo mayhihiramin, Sa munting effort  kanyang pinapakitin At sabay hiling sa Panginoon na iyong mapansin Ang simpleng “thank you” na sinilid sa bag na palagi mong binibinbin.   Naalala ko nga, sa panahon na may okasyon silang gagawin Mga dancers ay hindi pa handa sa kanilang sasayawin Kaya pinahiram mo sa kanila yung gamit mong kay mahal kung tutuusin, Pero dika nag alin- langan na silay pahiramin, kaya’t unti- unting nahulog sa‘yong piling   Sa mga araw na pinapahiram mo ang gamit na iyon Laking pagtitiwala sa kanya iyong pindama noon Kaya di niya maiwasang humanga sa mumunting aksiyon Na iyong pinapkita sa kanya sa mga panahon ‘yon   Bukal pa saaking isipan noong ikinwento niya saakin Na siyay kinilig noong palagi mo siyang hinahatid sa labasan malapit sa hardin Sa mga panahong may importanting gagawin Ito kanyang kinikimkim upang ikaw lang ay kanyang makapiling   Kapag siya’y may problema at ika’y natatanaw ng mga mapungay na mata Siya tumititig sayong magandang mukha upang mawala Ang problema na kanyang dinaranas at dinadala Kaya laking pasasalamat at palaging nandiyan ka   At umabot ang panahon na ‘dina sila nagkikita sapagkat bakasyon na Plagi niyang kina katha sa isipan ang ‘yong mukha At mga perspektiba na kanyang kinagigiliwan Upang ika’y hinding hindi niya malilimutan     Sa mga panahong siyay ganyan Di niya namalayan na 3 years na pala ang lumisan Noong siyay nagsimulang makaramdam Ng isang paghangang nakapagpabago sa kanyang buong kalamnan.     Ba’t pangaba sayo umaasa? Ang araw araw na tanong niya Na ika’y’sang  kathang isip lang na di saakin mapupunta Kathang isip na bumilanggo sakanya ng maraming taon na kaya, time to let go ika nga nila.   Kaya napag isip isip niyang dumilat sa katotohanan Sapagkat siya’y tuluyan ng nawalan ng isipan Sa pag iisip sa taong kanyang katha lamang Bunga ng mapglaro at makapangyarihang isipan   Ang taong nasa kabila sa kwentong ito Ay walang ibang tao kundi ang nagsulat sa tulang ito at iyon ay ako Ako na malayang Malaya na isinasakatuparan ang pangako Pangako sa sarili na hinding hindi na ulit mabibigo.   Maraming salamat sa pagbasa hanggang dulo, At palaging pagkakatandaan niyo Na wag pairalin palaagi ang ating mga puso Bagkus, sabayan ng isip upang tayo ay hinding hindi na ulit madadapa’t mabibigo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.