"MAHAL Kong Mga Magulang"
Akoy gumawa ng isang tulain Para sa mga idolo kung tawagin Sila ang nagpalaki at nagaruga sa akin The best sa buhay ko na aking maituturing Nang akoy isilang sa mundong ibabaw Ngiti sa labi ng aking mga magulang Parang akong isang anghel na nakahahalinang pagmasadan Kinasabikang hawakan ni ayaw pang bitawan Nang akoy lumaki at magkaisip Magagandang aral sa akin ay pinasasambit Bawat letra at pangungusap ay aking isinasaisip Upang kahit saan man ako naroon ay aking mabitbit Kayo ang dahilan ng aking paghinga Ako ay lumaki sa inyong kalinga Pag-ibig na wagas at napakadakila Hinubog ang damdamin isip ko at diwa Kaya’t nagpapasalamat ako sa aking mga magulang Na nagsisikap magtrabaho umulan man o umaraw Ano mang pagod at hirap ang kanilang maranasan Mabuhay lang at maibigay ang aming mga pangangailangan Kaya’t sa bawat hakbang sa landas kung tatahakin Masasayang ala-ala ay aking gugunitain Lahat ng pangarap ko ay aking tutuparin At sa dulo ng daan kaligayahan ay kakamtin Araw,buwan,at taon pa man ang aking paghihirap At kahit ano mang pagsubok ang aking hinaharap Mananatiling matibay at magsusumikap Minamahal kong mga magulang kayo ang inspirasyon ko sa aking mga pangarap.
2 comments
Ang ganda ng mensahe ng iyong tula, kaibigan. Maswerte ka at may mga magulang kang nanjan sa tabi mo habang ikaw ay lumalaki. Laging nanjan para gabayan ka at siguraduhing hindi ka maliligaw ng landas. Maraming mga magulang ngayon ang sobrang busy na sa trabaho kaya di na ma check yung kanilang mga anak. Mayaman nga sila sa pera pero salat naman sa pagmamahal
Salamat po sa, pag aapreciate ng aking gawa. Ito po ay isang karangalan na habang buhay kong tatangkilikin. Sana sa susunod pang mga katha, ay maipadama natin sa ating mga magulang na mahal natin sila habang buhay. Ng sa gayon, di natin pagsisishan sa hinaharap ang ating mga maling kaugalian.