Shopee delivery Noong shopee 9.9 ay bumili ako ng damit at ngayon ay dumating na. Medyo maliit na pala sa akin yung Medium na polo kaya sa sunod ay Large na ang bibilhin ko. Ang taba ko na ba? Hahahaha Dati kasi medium lang mga sinusuot ko eh at ngayon ay Large na. Grabe naman kailangan ko na atang magpapayat para masuot itong itim. Yung khaki na kulay is kasya sa akin kasi oversized sya yung black pwed3 pa naman kaso dapat large na pala. May isa pa akong binili eh kaso sa tiktok naman yun hanggang ngayon ay wala pa pero nakausap ko na yung seller naubusan daw sila ng stocks pero papunta na daw.
2 comments
Magaganda naman ang napili mo ayaw mo yong mga may kuwelyo yong mga Lacoste or abercombre.Sa ngayon ang uso sa guy kung may pangangatawan medyo hakab sa braso.Pero nasa nagdadala parin yan kahit mura kung kayang magdala magiging mahal ang dating ahaha.
Iba iba mga sizes ng damit depende sa brand meron Large size pero para siyang small lang. Mahirap talaga bumili pag sa online buti at un isa kasya sayo