read.cash Log in
@Jmderiquito more from that month

Maghihintay ako

Kailan kaya maghihilom ang sariwang sugat na dulot mo? Kailan kaya matatanggal ang sakit na dulot ng panloloko mo? Kailan kaya ako mananahimik sa kakaisip ng mga alaala mo? Kailan kaya ako titigil sa pag-asang ako'y babalikan mo? Mahal, simula noong naghiwalay tayo, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko. Ikaw pa rin ang inaasam-asam ko. Mahal kahit anong gawin ko, ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko, at sa tingin ko'y hindi ito magbabago. Nagtiwala ako sayo. Pinanghawakan ko ang mga salitang binitiwan mo. Pinaghawakan ko yung salitang babalikan mo ako. Sinabi ko sa sarili kong hihintayin kita kahit gaano katagal. Ngunit, nasaan ka na nga ba mahal? Tila tumigil ka sa piling niya, kaya't sa akin ay hindi na nakabalik pa. Nais ko lang malaman mong hinihintay kita hanggang ngayon. Pinanghahawakan pa rin angga salitang binitiwan mo noon. Tanga ba ako? Dahil minahal kita ng sobra sobra? Dahil hinihintay pa rin kita kahit alam kong malabo at wala nang pag-asa? Dahil mahal ko pa rin ang tulad mong minsan na akong binalewala? Tanga ba ako kung sa pagmamahal ko sayo ng sobra ay nagdulot ito ng pagiging desperada? Oo, tama, desperada na nga yata ako. Desperada akong bumalik ka sa piling ko Mahawakang muli ang mga kamay mo Makamtan ulit ang mga yakap at halik mo. Ngunit, mahal nasaan ka na ba? Babalik ka pa ba? Ako yata'y nabiktima ng salitang "Babalikan kita." Salitang para sa mga lalaki ay napakadaling bitawan Ngunit hindi mapanindigan. Salitang para sa mga babae ay napakadaling paniwalaan Ngunit napakahirap palang asahan. Katulad na lamang ng salitang "Mahal kita." Salitang napakasarap pakinggan hindi ba? Tila ako'y nalasan yata ng dalawang salita. Parang uto-utong kay bilis napaniwala. Mahal napakagaling mo palang mambola! Na kahit ako'y napagmukha mong tanga. Mahal naaalala mo pa ba? Yung mga masasayang alalang ating pinagsaluhan? Mga masasayang alala na alam kong kapwa natin hindi malilimutan Mga masasayang alaala na hindi matutumbasan ng kahit ano pa man. Mahal naaalala mo pa ba? Mga pagsubok na pilit nating nilagpasan? Nilagpasan natin ng magkahawak-kamay Ngunit di ko inasahan ang ating paghihiwalay Di mo kinaya at ako'y sinukuan Mahal napakahina mo! Ipinaglaban kita! Ginawa ko lahat para sayo! Ikaw! Sumuko ka na lang at iniwan ako! Pero sa huling pagkakataon mahal, panghahawakan ko pa rin ang sinabi mong "Babalikan kita." Pati na rin ang salitang "Mahal kita." "Mahal hihintayin kita! Hihintayin kita hindi dahil para tayo sa isa't isa, kundi dahil mahal na mahal kita." -Binibini,2017

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.