Ang swerte ko ngayong araw. Nakapasa na naman ako sa survey na worth 2 dollars din. Haha mag cacash out na ako for this week. Iiponin ko to para sa pandagdag ng handa ng baby ko. And si ninong noise namahagi ulit ng fftt nya. Kaya ibabahagi ko din yung blessings na natanggap ko ngayong araw. Salamat ninong noise. Godbless always this platform.
Early in the mornings Ganap. Gumising ako ng maaga para makapag prepare na ng breakfast and syempre before bumangon napasilip muna sa ysense ko. And may available na survey 0.75 at nasagutan ko na naman. Ayan malapit na talaga at makakawithdraw na kunting kembot nalang. Hehe ang aga pero may pa blessings na agad si ysense. Ayyeeeeii! Good morning Childrens of God. Gising na ang lahat at mag exercise muna bago mag simula ng trabaho.
Good evening Noisers. Nakailang surveys din ako ngayong araw and dami kung nasagotan. Wala pang 1 week yan maganda ngayon kasi madami silang pa surveys. For sure makakawithdraw ako nito this week. Buti at may mahigit 1 dollar ako na nasagotan kanina. Thankful talaga ako sa survey na to eh. Kung hindi dahil kay sis @ariel0417 wala akong pang extra income. Hehe malaking bagay na din to.
Happy luch time Everyone. Lets eat our lunch. Itlog lang ulam ko ngayon. And ang co-teacher namin may dalang jackfruit. Ang tamis nya. Nakapag lunch na ba kayo mga kaingay? Dont skip your lunch po para iwas sa sakit. Oh sya, kakain na ako dahil gutom na talaga ako mga kanoisers.
Productive Tuesday Noisers. Isang umagang kayganda na naman. Tag ulan na naman ngayon at hindi na masyadong mainit ang panahon..nakakairita sa mood kapag mainit ang panahon at pinagpapawisan ka pa.. Okna tong umuulan. Naka jacket din naman ako kaya ok lang hindi naman masyado malamig. Hehe Nakapa breakfast na ba ang lahat? Have a grateful and happy Tuesday po sa lahat.
Good evening everyone. Nagpunta ako sa bahay ng tita ko.napasabay nalang mag laro mg baraha..haha wala din naman taya to..di kasi ako marunong masyado eh. Pero ang saya2x kasi yung kasabay naming isa nagpapatawa. Ang daya kasi.. hahaha pero palagi din naman sya talo. Wala talagang mananalo pag madaya ka maglaro. Kung sino matatalo pipitik yung kamay..pero ako nakadalawa lang na panalo. Nakapag dinner na ba ang lahat?
Good morning noisers. Throwback ko lang yung picture kahapon na nang simba kami ni baby. Hindi na kami nakapasok kasi sobrang kulit ni baby kaya sa laba ng simbahan nalang kami and nakita nya yung mga friends nya na nagsimba din. Bata palang mahilig na sa chicks ata tong bata na to..kasi nong nag peace be with you na nag hug sya sa mga friends nyang babae pero nung sinabihan ko na mag hug sa batang lalaking kasama din namin sa labas ayaw nya. Haha Todo smile talaga sya sa…
Ang cute nitong fancy earring and fashionable bracelet na binili ko sa second cousin ko.. Bagong business nya kasi to. Ang mura lang nong bracelet sa halagang 15pesos ang ganda at cute na nya.. and also yung fancy earring na 99pesos bagay na bagay din. Parang gumanda ako. Charr! Haha joke lang mga kaingay. Ginamit ko sya nung magsimba ako kanina. Anyways tulog na ba yung iba? Matutulog na nga lang din ako. May work pa bukas and dapat maaga magising dahil araw ng Monday. Good…
Yung baby kong super happy dahil marunong na sya magpa andar ng little car nya..hehe ilang days din yan na natatakot sumakay dahil nong first na bili at sakay na natumba sya. Pero ngayon ayaw ng umalis sa car nya.. Ayan oh grabe yung enjoy nya..makikita talaga sa itsura nya kung ganu sya kasaya.binili yan ng lolo nya pang advance birthday gift sa kanya.. actually sa july pa naman yung 2nd birthday nya. Happy evening po sa lahat. Nakapag celebrate na ba ang lahat ng fathers…
Good morning everyone.. Happy Fathers day po sa lahat ng mga Lolo, Tatay, Papa, Daddy dito sa noise. And most especially sa aking pinakamamahal na Hubby. Thank you for providing the needs of Lyam and sa pagmamahal na ibinibigay mo sa pamilya..you are the best busband in the whole world. Im praying always that may the Almighty God give you good health and guide you everyday. Good health and keep safe always papa namin. 😘
Good afternoon noisers. Yung co teacher kung grabe umakyat ng puno ng bayabas kahapon..sobra pa sa lalaki yan.. hindi natatakot, sobrang brave ni teacher..haha Kaya pala ang tapang eh hindi pala madali mabali ang sanga ng bayabas.ang tayog pala ng pagkatindig nya..ang daming bunga ng bayabas nagsawa din sa kakakain.
Yung baby ko ngayon na nagpupuyat pa..ayaw pa nya matulog, hirap patulugin.. Ayan pinag gagawa nya ngayon nag eenjoy kakalaro ng tatlo nyang bola. Ewan ko sa lolo nya..binilhan nya na ng bola tapos bumili ulit ng isa at naging tatlo pa nga. Siguradong mag babasket ball player na to pag lumaki dahil halata naman na tatlo na yiumg bola na nilalaro nya. Hahaha sige lang baby pakapuyat ka ngayon hanggang sa mapagod ka kakalaro.. may pa dapa pa yan na nalalaman. Ayaw matulog eh…
Late lunch time mga kaingay. Kumain na ba ang lahat ng lunch? Nilibre kami ng co teacher dahil daw hindi kami makaka attend ng kanyang kasal..malayo kasi yung reception nila. Ang sarap ng luto nilang inasal parang manok talaga ng mang inasal yung lasa and unli rice din sya. Naka 3 rice din naman ako..mukhang hindi naman talaga gutom. Hahaha Kamusta ang araw ng Byernes? Pagod na for the whole weekdays? Mag ingat po ang lahat..
Bago ako matulog share ko lang ang picture ng baby ko. Bakit kaya ang seryoso at may panguso pa. Haha before kasi patulogin yan nangungulit pa muna kay mama kasi bukas nasa work na naman si mama nya..kung gabi lang yung time ng pag bonding. Kamukha talaga ng papa eh. Yung ilong lang yung nakuha nya kay mama. Haha Sige mga kaingay its time to sleep na kasi may pasok pa me bukas.. Good night and God bless everyone.
Good morning Noisers. Kamusta mga kaingay? Busy ba ang lahat? Kami dito sa school sobrang busy na talaga. Every teacher my different task na pina assign sa amin ng aming school head.. and yung na assign sa akin is all about certificates and awards. Gutom na din ako..hehe Have you done your lunch na ba mga kaingay?dont skip your lunch po..God bless everyone and kip safe..
Capture ko kanina nong mag sunset na.tumambay muna kami ng mga co-teachers ko sa dike ng Guimbal..Ang ganda talaga ng kulay and also the formation of clouds. Nakaka amazed talaga makita mga ganitong tanawin lalo na basta creations ni God. Nakakaantok na mga kaingay. Matutulog na ako.. keep safe po and have a peaceful night sa lahat..
Hey everyone! Kakauwi lang galing work..and nakaramdam ng gutom. Buti nalang may nabili akong nissin cup noodles with Batchoy flavor..Iba na pala ang laman ngayon ng cup noodles nuh?ngayon lang kasi ulit ako nakabili. Hinahanap ko pa kung saan yung sangkap nya kasi dati nakalagay pa yan sa seperated plastics. Pero ngayon sinasama na pala nila yung ingredients. Hinhintay ko nalang yan na maluto sa mainit na tubig and later kakain na din..gutom na ako..hehe
Good afternoon madlang Noisemates. May praktis ngayon ang mga bata para sa baccaluareate mass nila sa sabbath..from kinder to grade 3 learners..bukas naman ay ang Grade 4 to Grade 6 learners.. kada grade level ay iba2x yung presentation..itong nasa picture ay grade 3 na..yung kinder learners ko hindi ko pa na picturan pero action songs yung kanilang e perform sa saturday. Kamusta araw nyo mga kaingay?sobrang init ng panahon talaga ngayon..pinagpapawisan na abg lahat…
Hello Noisers.. Mukhang nakapag dinner na ang lahat ah. Madami na akong nakitang post dito nang masasarap na mga ulam ninyo mga kanoisers.. Sa akin naman ito yung niluto ng tatay ko, nasunog pa yung daing. Haha yan tuloy naging crispy daing na sya.. haha Parang lalagnatin ako ngayon dahil sa sobrang papagod kakabili kanina ng mga supplies para sa graduation ah..iinom nalang ako later ng paracetamol tapos kumain. Tara kain mga kaingay!
Hala sorry po talaga ninong noise..sobrang busy lang ngayong araw pero tinatry ko dn best ko mag online ngayon dito at mag share din sa ibang noisemates..thank you po talaga for this opportunity na mabigyan ulit ako ng ft.. Happy lunch time na din po sa lahat ng noisera..kami dito namimili pa din..medyo gutom na din..hehe
Gandang umaga Noisemates. Kamusta ang araw ng Tuesday? Progressive ba? Papunta kami ngayong city mga kaingay, bibili ng mga gagamitin for incoming graduation..mga decorations and gagawing certificates and awards ng mga learners..super busy pero may inilaan pa din akong time para kay noise at mag sha share ng blessings sa mga ka fellow noisemates ko.. Simulan natin ang araw na ito ng good vibes. God bless and have a nice day po sa lahat..
Late dinner mga kanoise..naka meryenda kasi ako kanina pag-uwi ng bahay kaya ngayon nalang kumain ng dinner. Ito lang ulam ko ngayon kaunti nalang natira grabe kasi sila kung kumain ng adobo..hindi natatakot ma higblood.sarap daw kasi eh..pero ako parang nagsasawa na ako sa baboy.nakakatakot ma highblood.. haha Tara kain tayo mga kaingay..
Pictorial with my students kanina..malapit na din kasi Graduation..Mag gra grade 1 na mga students ko parang kaylan lang..nakakamiss tong mga chikitings na to lalo na yung pagka kulit nila at ang sobrang lambing nila..bilis lang nang panahon..ang lalaki at tatangkad na nila..next school year face to face na din naman. At magkikita din kami everyday sa school.. Gandang hapon pala sa lahat..sobrang busy sa school kanina dahil sa pictorial..so babawi ako later pag nasa bahay…
Good afternoon mga Kaingay.. Ganda talaga ng Monday ko.. Pag open ko ngayon nakita ko sa notifications ko dumating na yung ft.. after how many months na simula nung nawala ka at ito bumalik ka na.. Nagpapa salamat talaga ako kay ninong noise dahil binalik nya na yung ft ko.. Bihira nalang ako makapag online ngayon at pa silip silip nalang dito..pero ngayon babalik na ako dito palagi at mag share na din sa iba..sana yung sa iba na nawala bumalik na din para all happy na..hehe…
Gandang tanghali noisers. Nakapag lunch na ba kayo?anong ulam nyo mga kaingay? Ako kakatapos lang egg and meatloaf yung ulam..then ito na naman yung next lomi , ibinigay samin ng mga staffs ng school nagluto daw sila dahil may birthday daw yung isang staff namin..ang sarap talaga magluto ni ate ging2x eh..yung ang busog muna pero gusto mo pang kumain ng lomi..hehe Pakabusog po sa mga kumakain ngayon.. have a nice day everyone 😇
Gandang hapon mga kaingay. Gala din pag may time..oh diba, dahil stress sa work nakapag gala din sa Garinfarm..pang 3 times ko na tong punta sa Garinfarm and ang ganda pa din ng lugar..kasama ko ng punta dito is yung mga kamag-anak ko na bakasyonista..gusto nilang sumama ako dahil wala daw silang tour guide. Haha at syempre dahil niyaya nila ako eh libre na ang pamasahe ko at pang entrance. Kamusta buong mag hapon nyo mga kaingay?hope you are safe..
Hello mga kababayan. Kamusta na ang lahat? After a month nakapagpost na din..busy na kasi sa pag apply para sa limited face to face sa school namin.. ito ngayon ako, naghahanap ng maiinom at makakain..hingi muna ako ng stocks ng mga pagkain at inomin ni baby sa ref. Haha gumagawa kasi ako ngayon ng mga forms ko dahil malapit na din ang gradution namin. Oras na naman ng pagpupuyat..sino pa mga gising dito? Good night sa mga tulog na..😊
Good afternoon mga kaingay.. Guess what mga kaingay?May pa surprise ang mother in law ko sakin..ayaw ko sana maghanda dahil busy din naman at may work ako pero di ko akalain na pag uwi ko sa bahay ito agad yung iniabot sakin..hehe love na love talaga ako ni momy eh.. Maligayang kaarawan sa akin..Sana ay bigyan pa ako ni God ng long life, good health and more blessings at mahabang pasensya sa araw-araw na pamumuhay.. hehehe
Share ko lang mga kaingay..kaninang hapon may natanggap ako galing kay giftr survey, akala ko survey na naman na sasagotan..ayaw ko na sanang sumagot kasi parang nawalan na ako ng pag-asa. Hindi naman ako nananalo sa mga surveys nila. And I was shock ng mabasa ko to.. nanalo ako ng 100 pesos..Oh diba, bumalik na ulit yung gana kung sumagot ng mga surveys nila..haha im so blessed ngayon dahil madami akong nasagotan na mga surveys ngayong araw..
Meeting de avance nila Bbm at Sara Duterte sa Guimbal, Iloilo kanina..napadaan lang ako galing kasi akong city and nakasakay na sa mini bus papuntang bahay. Grabe, madaming tao ang pumunta. No social distancing pa yan....and alam na natin na pagkatapos ng election eh mag lolockdown na naman for sure.. sino kaya ang mananalo sa papadating na halalan? Si Leni ba o si Bbm? Ano sa inyo mga kaingay?