Akala ko Thanks God it's Friday or TGIF yun pala Busy Friday. Work overload ako kanina. Daming gawain kasi sa Monday na ang start nang. Yes! Sa Monday na talaga wala nang adjust totohanin na ang Face to Face classes. Haha Sobrang excited na din ako makita mga old and new students ko.
Kamusta buong maghapon nyo mga kaingay? Maulan din ba sa inyo ngayon? Ako kakauwi lang wala pang dalang payong kasi maulan dito ngayong hapon..
Gandang gabi sa inyo. Tara na at mag prepare na haponan..
Grabe ang dami nila. Sayang yung ganitong halaman kasi inuubos nilang kainin. Ang ganda pa naman ng bulaklak ng halaman na to.. nakita ko lang to sa school namin kanina. First time ko maka kita ng ganitong uod. Ano kayang klasing uod to? Sino nakakaalam mga kaingay? Bilis pa naman nilang kumain. May video nito kanina yung isa kung kasama kung paano nila kainin ang bulaklak. For sure mamamatay ang mga halaman sa mga ganitong uod.
Gandang gabi mga ka Squad. Hows your evening? Nakapag dinner na ba?
Good morning mga ka squad.
Ulam namin kagabi.. hindi na nakagpost kahapon kasi sobrang antok na after nung dinner. Favorite ko talaga to pag ganito kalaki yung shrimp..Niluto ko sya with Sprite. Kaso sabi ni mama pag mapaparami ka daw nito ng kain eh nakakahigblood din. Dapat kunti lang mga tatlong piraso.haha pero sakin napadami ako ng kain kagabi tapos sarap pa pag sinasawsaw sa suka nakakagana talagang kumain. Mapaparami ka pa ng kanin.
Anyways nakapag brekfast na ba kayo mga kaingay? Ako kakatapos ko lang..and nandito ako ngayon sa school.next week kasi may pasok na..have a nice day po sa lahat. God bless and Keep safe..
Maulan na gabi mga ka noise squads. Sa iba oras na para kumain nang haponan. Pero dito sa bahay kakain palang ng meryenda and later pa yung dinner. Haha Pancit canton and Birch tree na milk lang sapat na pang meryenda. Anong ulam nyo ngayon mga squad? Eatwells po sa mga kumakain ng dinner ngayon. Enjoy your dinner together with your love ones.
Tara kain po tayo ng meryenda.. hehe
Gandang Hapon sa mga magaganda at ma gagwapong mga ka noisers. Kamusta ang araw nyo? Maulan din ba yung buong maghapon sa lugar nyo?
Nagsimba kami kanina and pag uwi namin bumisita pala yung mother in law and father in law ko dito sa bahay. And may pasalubong sila kay baby fresh milk and mga chocolate milk. Dami na namang konsumo. For sure hindi to aabutin ng 1 week at mauubos agad kasi puro bukas ng reef si baby. Parang palaging gutom lang eh. Hehe syempre iinom din ako ng fresh milk ano.
Nakapag meryenda na ba kayo mga kaingay?
At dahil Foundation Day ng school namin kung saan pala ako nagwowork nag decide yung admin namin na mag outing at para makalabas din ng school..kasi every year palaging nasa school nalang yung event..at buti naman dahil nakalabas din kami and dinala ko baby ko sa beach.. ma layo2x din yung napuntahan namin kahapon. Were from Iloilo and yung beach na pinuntahan namin is from Hamtic Antique. Almost 2 hours din yung byahe.. Sobrang na enjoy din kami lalo na si baby na first time makagala ng malayo..
Ngayon lang ulit yung free time ko and nakaopen ulit dito sa noise.. Kamusta kayong lahat mga kaingay? Gandang hapon sa inyo..
Hello Noisers..
Kakatapos lang mag lunch with my co-teachers.. and habang nag kwe kwentohan kami nakita namin sa labas na madami na namang bunga ng bayabas yung dalawang puno. At yung isa naming kasama grabe pala umakyat nang bayabas parang unggoy.. itong nakuha parang hindi pa sya talaga hinog..
Anyways nakapag lunch na po ba kayo mga kaingay? Eatwells po sa mga kumakain.
Ang niluto kong ulam this evening.. adobong baboy nilagyan ko sya ng mama cita and ang sarap nya mga kaingay..yung natirang mantika sa pinaglutuan ko nilagyan ko ng kanin at simot talaga ang pinggan. Sarap kumain ng baboy pag madalas lang diba.. hehe nakakabusog ang gabi pag ito yung ulam..mas gusto ko din kasi yung taba nya pag adobong baboy yung pag luto..
Anong ulam nyo this evening mga kaingay? Nabusog din ba kayo sa mga ulam nyo katulad ko?
Good morning Noisers.
Its Monday Again. Back to work na naman kami and tambak ang gawain as usual haha. Basta araw ng Monday dami talaga gawain ano.pero pag araw naman ng Friday parang nakaka stress free na and pa chill2x nalang.. Pero ano pa man ang mga gawain natin araw-araw dapat padin nating pahalagahan at sipagan at magsumikap pa lalo dahil sooner or later tataas pa lalo yung mga bilihin dito sa Pilipinas and baka yung maliit na kinikita natin sa pag tratrabaho araw-araw eh hindi na natin kakayanin o kulang na yung busget dahil sa mga bilihin ngayon.
Dapat Happy lang and think Positive always gaya ko.. Charr! Haha Have a nice day po sa lahat. INGAT
It's my favorite. Cheese lumpia kakagawa ko kanina. Napalibre kasi kami ng Eden cheese na malaki yung 200 plus ata yung prize nya. Kasi suki si nanay sa nagbebenta ng mga gulay and groceries eh mag eexpire na kasi daw yung Eden cheese kaya ibinigay nya nalang kay nanay nung bumili sya ng gulay sa kanila.. and buti naisipan ni nanay na bumili ng lumpia wrapper kaya napagawa ako kanina and pinaubos nalang ni nanay yung cheese sabi nya damihan daw ang paglagay sa kada lumpia at dapat maubos daw.. Oh diba ang daming cheese at condensed yan.. hehe napadami din kami kanina ng pag prito.. nagustohan dn kasi ni baby..
Good night po mga ka noisers.. God bless and sweetdreams sa lahat..
It's lunch time!
Nakapag lunch na ba ang lahat? Ito lang ulam ko ngayon egg and vegetables.. baguio beans and carrots lang with cheese sapat na..ang lasa nya parang nilagyan ng butter. Hehe ang sarap pala pag may cheese na inilagay. Pati mga co-teachers nakihingi din ng ulam dahil nasarapan. Ayan nalang natira tuloy sa akin.. the more you give the more blessings you receive daw kasi..
Its Friday na mga kaingay. Makapag rest na din bukas dahil kapagod ang buong week ko ngayon.. keep safe po ang lahat..
Good afternoon mga kanoise.
Flex ko lang yung natapos kung puzzle kagabe..almost 1week din na pagpapuzzle. 1000pcs kasi kaya natagalan sa kakapuzzle.. happy si baby dahil natapos na yung puzzle. Inapak apakan nya pa kagabe..at nakita pa nya yung dinosaur.akala ko kung anong sinasabi nya nosaur pala.. haha bibili nga ako ulit ng 1000pcs sa shoppee, parang nasipagan kasi ako ulit mag puzzle..hehe
Nakapag lunch na ba ang lahat? Anong ulam mga kanoisers?
Gandang umaga..
My kind of breakfast. Itlog pugo lang sapat na..walang nang rice kasi masama pakiramdam ko..ayaw ko sanang mag breakfast..parang lalagnatin kasi ako..hindi pa naman ako nakabili ng gamot..
Kamusta ang araw ng Wednesday nyo mga kaingay? Busy busyhan din ba same sakin? Hehe have a nice day po..
Kanina sa school habang mag stastart palang yung meeting may napansin yung isang co-worker namin sa puno ng kahil and biglang sigaw na may ahas at nadali nya talaga yung maliit na ibon. Buti ang bilis ng school maintenance namin na patayin ang ahas. Poisonous daw to na ahas and delikado if ikaw yung na tuklaw nya wala pang isang oras tigok ka na.. ang haba pa naman nya..kakatakot, may video sana to na gumagalaw pa kaso hindi pwede ma upload dito.
Magmimidnight na and nakaramdam ng gutom kaya uminom nalang ako ng gatas and kumain ng biscuit. Kamusta ang buong maghapon nyo mga kaingay? Good night na po sa mga matutulog na..
Good morning Noisers. Hows your day?
Its august 1, araw ng Monday ang bilis ng araw..next month ber months na.. oh my malapit na agad ang bonus.. haha
By the way ito ang kinawiwilihan ng kamay ko ngayon.. nag puputok ng bubble wrap habang nakatutok sa computer..ito kasi yung gusto kong gawin pag may makita akong bubble wrap..pang exercise din to ng mga fingers and nakakatanggal talaga sya ng stress para sakin..
Ano ngayon yung kinabubusyhan nyo ngayon mga kaingay? Enjoy your day nalang po and have a nice day sa lahat. Keep safe..
Good evening and good night noisers.
Yung long weekend ko sobrang busy kaya d muna masyadong makapag post dito.. kanina pumunta kami sa bahay ng cousin ng asawa ko kasi yung tito nila inilibing kanina. Sabi nga nong iba pag may namatayan dun lang talaga lahat magkita kita na magpamilya at yung nasa malayo sa inyong pamilya eh mag kikita kita din kayo pansamantala. At yan nga nagkita yung mag 2nd cousins na.. hehe sa una nagkakahiyaan pa sila pero nung tumagal na naging close na din sila. Nag enjoy na naman si baby dahil nakagala ulit. Yung lang wala yung asawa ko na inggit din kasi hindi nya nakita yung mga pamilya nya. Pero madami pa namang panahon na magkikita din sila.
Anyways matutulog na ako dahil the long weekend is over. Hehe Back to work na naman bukas.. goodnight na po sa lahat..
Good evening noisers..
At dahil na miss na namin ulamin ang barbeque at buti dahil may natira pa na baboy sa refrigerator. Ginawa nalang naming barbeque.. na una nang kumain sila nanay kaya yung tatlong stick sakin na natira.. hehe mas mabuting gumawa ng barbeque at your own dahil mapupuno talaga yun stick and hindi ka mabibitin kaysa sa binibili mo na maliit lang yung sa stick..
Tara kain tayo mga kanoise..
Nakakamiss naman gumala this summer.. hanggang throwback nalang muna kasi wala pa si hubby.. 2 months pa ang hihintayin at makakagala ulit.. sarap bumalik sa talisay bacolod sa campuestohan highland resort. Ang ganda na siguro doon ngayon dami nang improvement. Hindi pa kami kasal ni hubby nung pumunta kami dito kaya na enjoy talaga namin yung pagpunta dito.. Sana makabalik ulit dito soon kasama na si baby..
Good evening sa inyong lahat.. wala nang work bukas kaya pwedeng matulog hanggang 9am. Haha joke lang..syempre yung bahay na naman yung lilinisin bukas dahil madami nang alikabok at makalat na ang bahay..
Ayan bagong bago na naman mga kanoise..love na love ko talaga magpuzzle..yung iba nagsasabi na grabe daw ako ka matyaga sa kakapuzzle nakakasakit lang daw ng ulo..pero sakin ewan ko ba kung bakit nagustohan ko talaga to.
Yung unang napuzzle ko is 500pcs mga yun.. ito naman is 1000pcs na sya..sobrang hirap na ata to.. haha pero carry lang kasi ito yung type kung laruin at kabusyhan..
Gandang gabe pala sa lahat.. kamusta buong araw nyo? Bukas nalang yung last duty namin for this week dahil may 2days kaming pahinga gawa ng pagod namin last week kakatapos ng mga folders for face to face.. makakapagpahingi din sa bahay at may time ng makabonding amg anak ng matagal.. nawa ay maganda ang gabi nyo ngayon mga kanoise..
Gandang gabe mga kanoise.
Ito yung pinag bbusyhan ko kahapon at pinagpuyatan kagabe kaya hindi ako nakapagpost ng updates dito kahapon. So share ko lang 2days ko din natapos tong 500pcs na puzzle tapos may kulang pa na isa.. haha na achieve ko din sya matapos na ako lang mag isa.. may kinuha na naman ako sa school at gagawin ko ulit later..
Nakapag dinner na ba kayo mga kaingay? Ako magluluto palang ng adobong atay mga kaingay..
Gandang gabe mga kaingay..
Dami pang balloons na natira sa birthday ni lyam.. balak ko sanang pamigay to sa mga mag bibirthday dito sa amin..kasi sayang lang pag ipaputok nalang ang lahat..magagamit pa to sa mga occassion..napadami kasi ang balloons ni baby nung birthday nya..Marami pang natirang balloons na hindi pa nagagamit..dibale mag bibirthday naman si mama this September. Yun nalang yung gagamitin at makakasave na din.. hehe
Kamusta araw nyo po? Busy ako kakalaba kanina..dami kasing labahin..
My dinner this evening.. ito nalang muna kakainin ko since puro baboy nalang ulam ko for 1 week..mag cucumber muna tayo and tacos..pampaganda ng skin yung cucumber.. kaso ang mahal na pala ngayon ng kilo ng cucumber. 80 na per kilo so binili ko isa nalang sa halagang 10 pesos.. hehe next time nalang ako bibili ng 1kilo kasi mabubulok lang din naman pag hindi maubos.
Gandang gabi sa inyo mga kanoisers.. kamusta pala ang buong maghapon nyo? Tara kain tayo..
Gandang Hapon mga kaNoisers..
Its Thursday and busy day dahil 1 days before the dealine ng mga folders for validation para sa face to face classes.. and nakaka kaba dahil madami daw questions yung nag vavalidate ng papers.. Sana bukas ng umaga matapos na namin to lahat para naman makapag vacation na kami before mag start yung class sa august..
Hoping you enjoy your day today mga ka noisers.. anf Happy Monthsary sa group na to.. God bless everyone and keep safe..
May orientation kami kanina sa school about orientation and coordination para sa face to face..yung mga guest namin is from bhert at lgu's.. ito ay kakaylanganin namin para sa mga folders na SSAT. Nakikipag coordinate kami sa brgy para in case na my magka covid na bata sa paparating na pasukan eh nandyan yung brgy para tulungan kami.. and naging successful nga yung orientation namin..
Ito papauwi na ng bahay..and sana ay maging safe papauwi..keep safe din po sa lahat ng papauwi galing work..
Yung feeling na naeenjoy talaga sya sa mga gifts nya..kaya sobrang kalat ng bahay palagi..lahat ng toys nakalabas. Kalat dito kalat doon.. nakakatamad na mag linis ng kalat nya palagi kaya naiisipan ko ngayon na before matulog eh dapat malagay sa tamang lagayan yung mga toys nya.. yung kung saan mo kinuha doon mo din dapat ibabalik kaya pinagawa ko na sa kanya starting ngayong gabe is sya na mismo ang magbabalik ng kanyang mga laruan sa tamang lagayan.. at salamat at sinunod nya din naman.. buti at masunurin si baby.. hehe Good job baby.. very good talaga eh.. hindi na magagalit si mama dahil sa kalat palagi..
Good evening Noisers..
Pag hihigbloodin din ako nito dahil 2days nang puro baboy yung ulam.. hahaha ang dami pang natira sa lechon nung Saturday and dami ding nailuto ngayon.. Nakapag dinner na ba kayo mga kaingay? Kung wala pa eh di saluhan nyo ngayon ako dito dahil ako lang yung naunang kumain dito sa bahay..
Tara na at mag dinner tayo..daming ulam pumili kalang ng gusto mo..hehe
Good afternoon Noisers.
Kamusta ang lahat dito? Sobrang busy ko nung Friday and kahapon dahil birthday ng anak ko. Super Enjoy talaga sya kahapon may pa sayaw sayaw pa.. and yung mga batang dumalo nageenjoy din dahil madami silang laruan and candies na dala pauwi..
Happy 2nd birthday to my baby Jhozef Lyam..😘😊
Hello Noise Family.
Gandang hapon. Yung pagka tapos ng lunch time eh nag coconnect ng puzzle pang stress reliever lang namin ng mga co-teachers ko.. merung 300 pcs, 500 pcs at 1000 pcs na puzzle..nasa america daw to nanggaling..ipinadala sa package nang isang sponsor mg school.. yung pina puzzle namin ngayon is yung 300 pcs muna.. nakakalibany din to at isa pa nahahasa ang brain mo dito..may patience ka dapat dito haha..
Kamusta kayo mga ka noisemates? Nakapag lunch na ba kayo? Pakabusog po sa mga kumakain palang ngayon..
Busy Tuesday Everyone..
Tambak na naman ngayon..and its busy day today. Dahil papalapit ng papalapit ang face to face classes padami ng padami naman ang gagawin for this whole month.. kaya tiis2x lang at matatapos din tong mga tambak na gawain..pag matapos na to mag leave muna ako for vacation. Enjoy and chill din muna pag may time diba mga kaingay.. hindi puro work lang..dapat may balance din..
Gandang umaga mga kaingay. Have a nice day..
Hey mga kanoise..
Sorry na ..sobrang busy si ate nyo ngayon kaka prepare sa birthday celebration ni baby.. ito gawa ko ngayon nag cucut ng names na lalagay sa backdrop..pagod na sana sa work pero need ko to matapos kasi ilang days nalang talaga.. nahihirapan ako kasi ako lang mag isa di gaya dati nung 1 yr old pa si baby na dito si papa nya may kasama ako gumawa ngayon wala na.. sige lang matatapos ko din to hanggang friday.. kapit lang. Hehe
Gandang gabe po sa inyong lahat..