read.cash Log in
J@Jewelicious more from that month

Umuulan...

Isang umaga ako'y nagising  na may makulimlim na kalangitan Tila ba may nag babadyang unos Unos ng kahirapan Umuulan?umuulan! Umuulan ng hinagpis May Humihiyaw ng "tulong tulong" Umuulan ng abo? Dali dali! ayan na ang kadiliman! Animoy mga langgam  Na nag pulasan palayo  Palayo Sa kanilang dating Tahimik na tahanan Dumadagungdong! Karimarimarim! sa aking dibdib, May takot at kaba Sa aming paglikas  Katumbas ay buhay na maisasalba Ngunit saan ako pupunta? Kinabukasan ko, paano na? Akala koy tapos na, Hindi papala . May mas masakit na dagok pa palang iindahin. Quarantine? Lockdown?  Tila ba bago sa aking pandinig  Bawal lumabas oo bawal lumabas Maswerte na kung meron kang sardinas  Ulam mo sa maghapon na BIGAS /narinig ko lang kay yano  "Busog na sa tubig, gutom ay lilipas rin"/ Yung hindi mo akalain na  daranasin mo rin Ulan... Umuulan nanaman. umiiyak.. ang aking mga matang di na mapigilang ipaalam ang pighating nadarama mula sa kalagayang aking kinasasadlakan humahaplos... sa aking mga nalulunod na pisngi ang ulang nilikha ng aking mga mata  isang ngiti...mula sa aking labi ang pilit na isinisingit at pinaniniwala ang aking sarili na kaya ko pa. umuusal.. ng maikling panalangin para sa lahat ng pilipinong gaya ko na pilit bumabangon at itinatayo ang mga paa para sa pamilya...buong tapang na haharapin ang mag tampisaw sa ulan na ito ay ano pa ba? Sa gitna ng kawalan ako ay humimlay  at Aking hiniling na sa aking muling pag mulat ,masayang tanawin na ang aking pag mamasdan Umuulan?  Umuulan ng pagdamay Umuulan ng simpatiya Umuulan ng pagtulong Pilipino hindi ka nag iisa Pinanganak kang magiting May tatag ang loob Anumang bagyo ng buhay Patuloy kang bumabangon Padayon! Umuulan.. Umuulan ng pag-asa -jewel

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.